Friday , November 22 2024
duterte gun
duterte gun

Sandamakmak na ‘armasan’ sa Filipinas

PINAG-IISIPAN daw ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na armasan ang mga opisyal ng barangay.

Bakit?!

Duda ba si Pangulong Digong sa kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kaya kailangan pang armasan ang mga barangay official?!

E ano pala ang papel ng mga barangay tanod bakit kailangan pang armasan ang mga barangy official?

Hindi lang ‘yan, pati raw ang mga pari at mga fiscal ay armasan na dahil madalas silang biktima ng pamamaslang.

Mag-armas sila at ipagtanggol na lang ag sarili nila dahil inutil ang PNP? Ganoon ba ‘yun?

Baka kasunod niyan, pumayag na ang Pangulo na maging “over the counter” ang pagbili ng armas gaya sa Amerika.

Sa Amerika hindi nakapagtataka na grabe ang patayan doon at massacre, kasi nga ang armas ay nabibili “over the counter.”

Dito sa Filipinas, napakaraming rekesitos bago makapagmay-ari ng baril pero nakapag­tataka na maraming namamayagpag na riding-in-tandem. Maya’t maya mayroong pinapaslang.

Tapos ngayon mismog Pangulo ang mang­hihikayat na mag-armas ang ilang sektor?

Kung ganito ang mga balitang bubungad sa mga negosyante, mayroon pa kayang magne­ne­gosyo sa Filipinas?

Sinong negosyante ang mamumuhunan sa Filipinas kung nakikita niyang magulo at hindi ligtas?!

Talaga bang pag-aarmas at pambu-bully lang ang kayang pag-usapan ng kasalukuyang gobyerno at walang kakayahang magsalita ukol sa ekonomiya ng bansa?!

Sino naman kaya ang magsasalita kung paano pauunlarin ang ekonomiya ng ating bansa?

Wattafak!

Ano ang kinabukasan ng bansang armas lang ang pinag-uusapan?!

Mahal na Pangulo, panahon na siguro para maging sensible ang gobyernong ito.

Hindi pa huli ang lahat, lalo’t marami pa rin ang naniniwala sa inyo.

Kailangang marinig ng sambayanan ang konkretong plano ng gobyerno kung paano pauunlarin ang ekonomiyang Filipino.

Hindi ekonomiyang fishball at kwek-kwek kundi ekonomiyang pangmalakihan.

Ekonomiya para sa lahat, hindi ekonomiya para sa bulsa ng iilan.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *