Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relief goods sa Boracay kinakalawang

BORACAY ISLAND – Ikinatuwa ng mga resi­dente ng Brgy. Balabag ang natanggap nilang relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ngunit ang tulong na sana ay makapagpapabusog ng tiyan, ay itinapon lang sa basurahan.

Ito’y nang matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, na bumubula ang mga laman. Habang ang ibinigay na bigas ay may kasamang mga insekto.

Magluluto sana ng pananghalian si Ester Bendola, residente ng Bala­bag, ngunit nang bi­nuk­san niya ang delatang sardinas at meat loaf ay nakita niyang ito ay na­ngingitim na at bumu­bula.

“Sana nasa mabuting kondisyon naman ang ibinigay nilang goods, ka­wawa naman kami. Pa­ano kung ‘yung mga bata ang nakabukas?” aniya.

Dagdag ni Bendola, 2020 ang expiration date ng mga delata kaya nag­taka siya kung bakit panis na ang laman.

Ayon kay Leo Guin-ti­lla, administration chief ng DSWD sa Western Visayas, posibleng nagka-leakage at nakontamina ang canned goods at bigas habang dinadala patungong Boracay.

Aminado si Guintilla na galing sa kanilang warehouse sa Iloilo city ang goods at hindi rin nila itinangging may kaku­la­ngan sila sa pag-monitor ng hauling ng relief goods.

Nakatanggap na uma­no ang kanilang tang­gapan ng walong rek­lamo mula sa mga residente at agad nilang pinalitan ng bagong canned goods at bigas ang mga kontaminadong ayu­da.

Dahil sa nangyari, mas paiigtingin ng ahen­siya ang quality control ng relief goods bago ibigay sa nga benipesaryo, ani Guintilla.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …