Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayver, iniwan na ang Star Magic at ABS-CBN

MARE, 17 years kong alaga si  Rayver.

Panganay ko ‘yan, eh. Ni minsan hindi ako binigyan ng problema o sakit ng ulo. Sobrang bait na bata kaya naiiyak ako,” bungad ng handler ni Rayver Cruz na si Luz Bagalacsa nang tanungin namin tungkol sa pag-alis ng aktor sa Star Magic.

Ikinatwiran ni Rayver na breadwinner siya at kailangan niyang mag-ipon na kaya kinailangan niyang lumipat saGMA 7.

“Eh, wala naman akong magagawa kasi ang paalam niya bread winner siya, kailangan niyang mag-ipon para rin sa future niya. Mag-aasawa na kasi si Rodjun (Cruz) next year, so technically solo na niya. Maganda  ang offer sa kanya sa kabila kaya wala kaming magawa maski na pinigilan namin,” katwiran sa amin ni Luz.

Aminado naman ang halos lahat ng talent handlers at road managers na nakakakilala kay Rayver na sobra silang nalungkot sa pag-alis ng aktor dahil nagsilbing ‘bahay’ niya ang Star Magic sa loob ng 17 years.

Nabigla nga rin sina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms Mariole Alberto nang nagpaalam sa kanila si Rayver.

Pormal ding nagpaalam si Rayver kina Ms Cory Vidanes (ABS-CBN Chief Operations Officer) at Direk Laurenti Dyogi (ABS-CBN Entertainment Production head) at sinubukang pigilan ang aktor lalo’t kasama siya sa umeereng epic seryeng Bagani pero hindi nangyari.

Sinabihan ng mga bossing ng Kapamilya Network si Rayver na anytime ay bukas ang pinto ng ABS-CBN kanya at sinabihan din siya ng ‘goodluck.’

Ayon naman sa mga nakausap naming TV executives na kilala si Rayver, ”Napaka-professional. Walang reklamo, hindi pasaway, sobrang bait at magaling na artista.”

Sabi rin ng executive na nakatrabaho ang aktor sa ilang programa nito, ”I just hope lang na i-sustain ng GMA. Ang daming lumipat na sa simula lang maganda pero ‘di naman sinustain. Siyempre, happy ako kay Rayver. Sobrang bait ng bata at talented. Baka lang kasi maging Martin del Rosario at saka ‘yung isa na dating PBB (Matt Evans). Well, okay lang naman kung titingnan niya ay kikitain dahil kaya nga siya nagtrabaho. Pero ‘yung reach ng ABS kasi worldwide.”

Anyway, nalaman ng fans at ibang kasamahan namin sa trabaho na lilipat na si Rayver sa GMA at tinanong kami kung tatapusin ba ng aktor ang Bagani.

Kung hindi na mapapanood si Rayver sa mga susunod na episodes ng Bagani, eh, ‘di hindi niya natapos.

 FACT SHEET
ni Reggee Bonoan  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …