Monday , June 17 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Relief goods ng Boracay OpCen hindi makain ng mamamayan (Attn: DSWD!)

GINUTOM na, nilason pa?!

‘Yan ang sigaw ngayon ng mga residente sa Boracay.

Una, isinara ang Boracay dahil kailangan linisin. Ang epekto, marami ang nawalan ng trabaho at hanap­buhay.

Nangako ang Palasyo na padadalhan ng tulong ang mga residenteng mawawalan ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng allowance.

Pero sa realidad, relief goods lang pala ang ipamimigay.

Ito ngayon ang siste…

Ang relief na ipinamigay, kahit asong ulol hindi papatusing kainin.

Sino ang kakain ng bigas na sandamakmak ang insekto at bukbok. Ang sardinas mabantot na mabantot at ang meatloaf na bulok na bulok na?!

Itinuturo ng mga residente na ang nasabing relief goods ay ipina­mahagi ng Boracay Operations Center.

Ano ­ang ibig sabihin niyan?!

Matapos gutumin ang mga taga-Boracay, ang gusto naman ngayon ay pakainin ng mga bulok para malason?!

Kung hindi tayo nagkakamali, nagtayo ng Operations Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga residenteng nawalan ng trabaho at nawalan ng pagkakakitaan.

Kaya naman naging kampante ang mga re­sidente kasi umasa sila na aalalayan nga sila ng gobyerno.

Pero sa pinakahuling insidente ng pama­mahagi ng relief goods nitong June 16, puro bulok nga ang natanggap ng mga mamamayan.

DSWD Boracay Operations Center head Joey Urquiola, ano ba ang ginagawa ninyo?!

Huwag ninyong sabihin na wala kayong kakayahang inspeksiyonin kung puwede pa bang makain ‘yang mga relief goods ninyo o hindi na?!

Subukan n’yo kayang makisalo sa kanila ka­pag ipinamigay ninyo ang mga bulok na relief goods para naman malaman at makita ninyo kung ano ang ipina­mamahagi ninyo sa mga taong nawalan ng trabaho at pagkakakitaan.

That’s adding insult to injury!

CAAP WALANG PLANONG
I-REHAB ANG KALIBO
INT’L AIRPORT?!

WALA ba talagang plano ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pagan­dahin at ayusin ang pasilidad ng Kalibo Inter­national Airport diyan sa Aklan habang sarado o non-operational pa ang kanilang international commercial flights?

Ang balita kasi, imbes modernization at improve­ment ang inaasikaso ngayon ng pamu­nuan ng CAAP ay biglang naging “martial arts” ang passion ng mga tao niya?!

Susmaryosep!

Aba totoo nga?!

Para raw mapawi ang kanilang nadaramang pagkainip ay nagko-conduct daw ngayon ng martial arts session ang mga taga-CAAP diyan sa loob mismo ng pasilidad ng kanilang airport!

Wattafak!?

Hindi kaya “zumba at ballroom dancing” naman ang maging kasunod niyan!?

Ano ba talaga ang pinaghahandaan nila?!

Mga turista o terorista??

Baka naman may planong pumasok sa showbiz ang ilan sa kanila?!

Bakit hindi na lang kaya magtulong-tulong ang mga taga-CAAP na linisin at pagandahin ang loob at labas ng airport kaysa “karate at kung fu” ang kanilang inaatupag!?

Baka kung kailan muling daragsa ang flights diyan saka magdadrama ‘este magpapakitang-tao na aligaga ang mga CAAP officials sa pagsasaayos ng estruktura?

Nanangkupo!

Eksena na rin noon ‘yan sa KIA!

Kung kailan nagkaroon ng spot inspection si CAAP DG Jim Sydiongco at mga taga-DOTr saka sila nagkukumahog na magkumpuni sa lugar!

Talaga naman o!

Hindi ba nga, nangyari na noon ‘yan?!

Kung hindi pa natin kinalampag sa ating kolum hindi pa magkakaroon ng kakarampot na improvement sa airport na ‘yan.

Wala pa raw badyet ayon sa kuwento ng ilan nating nakausap diyan sa KIA.

Huh? Ganern?!

E saan naman kaya napunta ang P700 terminal fee kada pasahero sa international departure at P200 per passenger sa domestic na kanilang nasingil noon?

Ang alam natin Kalibo airport ang may pinaka­malaking singil sa terminal fee sa lahat ng airports sa Filipinas.

Considering na 3,000 hanggang 5,000 pasahero ang umaalis sa kanila araw-araw, so paano sasabihin na wala silang kinita?!

Tell that to the marines, guys!

So para mapakinabangan ng mga dumara­yong turista sa lugar, na sigurado namang muling daragsa sa pagbubukas ng Bora, aba kumilos naman kayo ngayon habang wala pa kayong mga bisita!

Huwag pakaang-kaang at martial arts kuno ang inaatupag!

Omaygad!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

YANIG ni Bong Ramos

First class citizens sa PH

YANIGni Bong Ramos DARATING daw ang araw na ang mga ‘Intsik’ na ang mga first …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ang pagkakaiba ni suspended Mayor Guo sa traditional politicians

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAHIL ‘balik farm’ muna si Bamban (Tarlac) Mayor Alice Guo. Ha!? …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *