Tuesday , December 24 2024

Palpak ni Trillanes ‘wag isisi kay Digong — Cayetano

HINDI dapat isisi sa administrasyong Duterte ang kapalpakan ni Senator Antonio Trillanes IV at dating Pa­ngu­long Noynoy Aquino sa isyu ng Scarborough Shoal.

Ito ang idiniin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano bi­lang sagot sa mga ipinu­pukol ng kampo ni Tril­lanes na kahinaan ng ak­siyon ng gobyerno sa pro­blema ng mga mangi­ngisda sa Scarborough o Panatag Shoal.

“Tayo ang may com­plete control ng Scar­borough Shoal at ang Chinese at Vietnamese fisherman, hinuhuli pa natin noong 2012, nag­ka­roon ng stand-off. D’yan po, si Senator Trillanes mismo ang naging back-channeler sa Chinese at on the record po ito lahat,” ani Cayetano sa panayam ng DZMM.

“Nag-decide sila na paalisin ‘yung mga ship natin kasi may usapan daw sila with the Chinese na aalis din. Sa haba ng istorya, umalis ‘yung ship natin, ‘yung sa Chinese hindi, they got control,” paglilinaw ng Kalihim.

Tuluyan nang hina­rangan ang Scarborough shoal ng mga Chinese coast guards dahil sa mga maling desisyon ng na­karaang administrasyon.

Matatandaang ini-expose ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang maraming “secret meet­ings” ni Trillanes sa China noong 2012.

Hindi isiniwalat ni Trillanes sa  mga kapwa niya Senador ang buod ng mga meeting na ito.

Noon pa lamang ay binalaan ng dating Senate President si Aquino na ito ay magdudulot ng peli­gro sa national security ng bansa.

Kaugnay nito, nanin­digan si Cayetano na ma­raming naging bunga ang seryoso at tahimik na pakikipag-usap sa China ng Duterte administra­tion.

Tinawag din ires­ponsable ni Cayetano ang mga sinabi ni Rep. Gary Alejano at Trillanes tung­kol sa aksiyon ng gobyer­no sa pagbabantay sa West Philippine Sea.

Kinontra ni Defense Secretary Delfin Lorenza­na ang pahayag ni Alejano at Trillanes na hindi na nagpapatrolya sa Scar­borough ang puwersa ng Filipinas. Sa katunayan aniya, tinatrabaho ngayon ng ahensiya ang upgrade sa kapasidad ng militar.

“Mayroon tayong mga ebidensiya na tuloy ang patrol sa West Phi­lippine Sea. Hindi totoo na walang protest, ‘yun ang unang kasinungalingan. Hindi totoo na walang patrol. At higit sa lahat hindi totoo na nawala sa atin ang Sandy Cay,” paliwanag ni Cayetano.

Sinabi ng kalihim, dahil sa “fake news” na ipi­napakalat ni Trillanes, lalong hindi mapa­pa­natag ang sambayanan.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *