Tuesday , December 24 2024
salary increase pay hike

P41.50 dagdag-sahod sa Western Visayas aprobado

APROBADO ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang P41.50 dagdag sahod pa­ra sa mga mangga­gawa sa Western Visayas.

Ang P26.50 dito ay dagdag sa basic pay ha­bang ang P15 ay dagdag sa cost of living allowance (COLA).

Kaya mula sa P323.50, magiging P365 ang mimimum wage sa naturang rehiyon.

Sakop ng dagdag sa­hod ang mga mangga­gawa mula sa non-agri­cul­tural, industrial, at commercial establish­ments na may mahigit 10 empleyado.

Para sa mga may sampu o mas mababang empleyado, P23.50 ang dagdag na sahod kaya P295 na ang suweldo nila kada araw.

Para sa plantation at non-plantation agricul­tural establishments, P295 rin ang magiging minimum wage.

“I asked the labor sector [and] I asked the management, doon na pumasok ang haggling ng amount… Sabi ng labor we can allow that amount,” paliwanag ni Johnson Cañete, regional director sa Department of Labor and Employment-Western Visayas.

Ngunit ayon sa General Alliance for Work­ers Association, hin­di sapat ang halaga dahil malayo ito sa P130 hang­gang P150 na nakasaad sa petisyon ng Philippine Agricultural, Commercial and Industrial Workers Union – Trade Union Congress of the Philip­pines.

Batay sa ilang pro­bisyon ng wage order, sa Nobyembre pa epektibo ang dagdag na sahod sa Aklan dahil sa pagsasara ng Boracay.

Habang sa mga lugar na umaasa sa sugar in­dustry, ang COLA ad­just­­ment ay ipatutupad sa pagbalik ng milling season.

Bukas ang wage board sa anomang apela hinggil sa nasabing dag­dag-sahod.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *