Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VP Leni: Tindig na mas matibay kailangan sa West PH Sea

MARIING inihayag ni Vice President Leni Robredo ang pangangailangan na maigting na maisaboses ang mga kaganapan sa West Philippine Sea, ang teritoryong pinipilit angkinin ng China.

Sa kaniyang talum­pati sa isang forum sa University of the Philip­pines-Diliman nitong Lu­nes, muling idiniin ni Ro­bredo na kailangang mas pagtibayin ng pamaha­laan ang paninindigan para sa ating mga teri­toryo, dahil apektado ang lahat ng mga Filipino.

“Hindi lamang tung­kol sa mga lipon ng mali­liit na isla at pulo ang mga kaganapan sa West Phi­lip­pine Sea. Simbolo ito ng ating higit na matimbang na laban para sa sobe­ran­ya ng ating bayan, para sa kapakanan ng bawat Filipino ngayon at sa susunod na mga hene­rasyon,” ani Robredo, isang araw bago niya pa­ngunahan ang pagdiri­wang ng ika-120 taon ng Araw ng Kalayaan sa Luneta, Maynila, kaha­pon.

“Simple lang naman ito: Ang atin ay atin. Obli­gasyon nating pa­nga­­lagaan ang ating teritoryo, pati na ang kapakanan ng lahat ng nakatira rito. Hindi ito basta-bastang isinusuko o ibinibigay sa iba dahil lamang kina­ka­tukatan natin sila. Kapag hinayaan nating yurakan ang karapatan ng ating mga kababayan, at naila­gay sa peligro ang ating lupang sinilangan, bini­bigo natin ang bawat Fili­pi­no na umaasa sa atin,” dagdag ng bise presi­den­te.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, natataon sa Araw ng Kalayaan ang mga panawagan na ma­ki­lahok at makialam ang sambayanan sa isyung ito.

Aniya, hindi dapat masilaw ang sambayanan sa umano’y pangako ng China na tutulungan ang ekonomiya ng bansa.

Idiniin niya rin na dapat dalhin ng pamaha­laan sa tamang forum ang isyu, sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest at pagkilala sa desisyon ng International Arbitration Court sa The Hague noong 2016, na pumabor sa Filipinas.

Ayon sa Bise Presi­dente, nasasaad sa Sali­gang Batas ang respon­sibilidad ng bawat admi­nis­trasyon na panga­la­gaan ang kasarinlan at interes ng Filipinas sa mga ganitong usapin — at maraming paraan upang ito ay maisakatuparan sa pamamagitan ng diplo­masya at pagkuha ng su­porta ng international community.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …