Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Party-list system sa Kongreso dapat na talagang ibasura

SA SIMULA, nagampanan ang layunin na maglingkod sa marginal sector ang sistemang party-list sa Kongreso.

Isa nga sa layunin nito dapat ay bigwasan ang political dynasty at mailantad sa publiko ang pag­ka­kaiba ng isang tunay na kinatawan ng mamamayan sa Kongreso kompara sa mga TRAPO (traditional politician).

Pero sabi nga, kapag gusto may paraan…

‘Yung bentaha na naibigay ng party-list system sa mga tunay na kinatawan ng marginal sector ay naaral din ng mga TRAPO at ng mga political dynasty na kinapos ng puwesto para sa pamilya nila.

Kaya hayun, noong mga sumunod na party-list election, ang mga tumatakbo sa ilalim ng sistemang ito, asawa, anak, tatay o nanay, dyowa o mga ‘tuta’ ng mga TRAPO.

Ilan sa mga example nito ang Gatchalian dynasty sa Valenzuela City na ang mayor, congressman at party-list ay pamilya lamang nila. At paglaon ay naging bonus na naging senador pa ang isa.

Noong panahon ni PGMA, ang kanyang hipag ay nagtayo ng party-list na kinatawan umano ng mga magbabalut at ang kanyang  anak na si Mikey ay kinatawan umano ng mga guwardiya.

Huwag kalimutan ang 1-PACMAN party-list, ginamit na ang sports, ginamit pa ang pangalan ni Manny Pacquiao. E anong sektor nga ba ang kinakatawan nito?!

‘Yung Senior Citizen party-list na ang pork barrel ay ginamit sa pagpapagawa ng kalsada sa kanilang lalawigan.

‘Yung Makabayan Bloc party-lists, hindi natin kinuku­westiyon ang authenticity ng mga orga­nisasyon na ‘yan, dahil noon pa naman ay talagang organisasyon na sila at malawak ang kasapian.

Pero nitong bandang huli kapuna-puna na mukhang ang pork barrel nila ay ginagamit na rin nila sa kanilang pa-rally-rally imbes gamitin sa kapakanan ng kanilang mga miyembro.

At huwag kalimutan ang iba pang milyonar­yong nagsitakbohan sa ilalim ng party-list na ang bitbit na interes sa Kongreso ay protek­ta­han ang kanilang mga negosyo kabilang ang illegal mining.

‘Yung iba naman, naging milyonaryo dahil sa party-list.

Kumusta na kaya ang LPGMA?!

In short, binaboy na ang sistema ng party-list.

Hindi rin natin nalilimutan ang karanasan natin nang tangkain nating maglingkod sa kapwa sa pamamagitan ng party-list.

Pero habang nagsisikap tayong makapasok, ilang elemento naman ang nagsikap na tayo ay hadlangan. Kumusta na kaya ang dating 3-M Division sa Comelec?

Kung gaano kadaling makapasok at maa­pro­bahan ng Comelec ang party-list ng mga may­roong koneksiyon at maramig ‘mansanas,’ ibang klaseng hirap naman para sa mga nagsusumikap.

At ‘yan ay klarong-klaro kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaya naman gusto na niyang walisin ‘yang party-list system na ‘yan.

Sa ganang atin, tumpak lang na lusawing tuluyan ang party-list system lalo na kung hindi na ito nagsisilbi sa orihinal na layuning mag­lingkod sa mas maraming maliliit na mama­mayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *