Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

500 Pinoy nurses wanted sa Germany — POEA

NAGHAHANAP ang European country ng daan-daang nurses para punuan ang ba­kan­teng posisyon sa kanilang healthcare industry, ayon kay POEA admi­nis­trator Bernard Olalia.

“Nagkukulang po kasi ang kanilang health­care workers,” ani Olalia.

Aniya, ang interesa­dong nurses ay maaaring mag-apply sa pamama­gitan ng POEA website o sa accredited private recruitment agencies.

Ang assistant nurses, o ang mga hindi pa pumapasa Sa Germany’s licensure examination, ay tatanggap ng starting salary na 1,900 euros o tinatayang P118,266.

Habang ang nurses na pumasa sa Germany’s licensure exam, ay ta­tang­gap ng starting salary na 2,300 euros o  tina­tayang P143,165, dagdag ni Olalia.

Ang mga aplikante ay dapat pumasa sa German language proficiency test bago maging registered nurse, ayon sa opisyal.

Hinikayat niya ang mga interesadong mag­tra­­baho sa Germany na i-tsek ang listahan ng POEA ng accredited recruitment agencies bago mag-apply upang makaiwas sa scams.

“Kapag po wala roon sa listahan, at hindi po nakalagay doon kung sino-sino ang mga em­pleyadong mag-repre­sent doon sa agency na ‘yun, huwag po silang maniwala at hindi po ‘yun totoo,” paalala ni Olalia.

Tinatayang 480 Fili­pino nurses ang kasa­lukuyang nagtatra­baho sa Germany.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …