Friday , April 18 2025

Kaso vs responsable sa NCCC mall fire kasado na — DILG

READ: Imbestigasyon sa NCCC matutulad lang sa RWM

MAY rekomendasyon na ang Department of the Interior and Local Govern­ment (DILG) kung sino ang dapat kasuhan sa pagkasunog ng NCCC Mall sa Davao City noong 27 Disyembre 2017.

Kabilang sa mahaha­rap sa kasong kriminal at administratibo ang NCCC management at contractor ng NCCC building, ilang mga opi­syal at tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), city building officials, at ilang mga opisyal at tauhan ng Philippine Economic Zone Autho­rity.

Ayon kay DILG officer-in-charge Eduardo Año, marami umanong nakitang pagkukulang ang mga imbestigador ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force gaya ng dysfunc­tional sprinkler system sa ika-apat na palapag, insufficient means of egress, mga exit door na walang self-closing device, at mga hagdan na hindi fully enclosed.

Habang ayon kay Fire S/Supt. Jerry Candido, tagapagsalita ng task force, nang isinagawa ang renovation sa ikatlong palapag bago pa ang sunog, hindi umano na­su­­nod ng NCCC manage­ment at contractor ang mga protocol na inilatag ng BFP.

Dagdag niya, hindi rin umano nagpaalam sa BFP ang NCCC Mall na magsasagawa ito ng renovation.

Nalaman din sa im­bes­ti­gasyon ang umano’y malpractice sa instal­lation ng electrical wiring sa ikatlong palapag, pag­kuha ng mga trabahante na walang lisensiya, at pagsasagawa ng reno­vation kahit walang building permit.

Ayon sa task force at DILG, handa na silang kasu­han ang mga res­ponsable sa sunog at pag­kamatay ng 38 emple­yado na na-trap sa sunog at hinihintay ngayon ang Department of Justice sa pagsasampa ng mga kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *