Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rep. Nograles dapat nang kalusin — TNVS drivers

TULUYAN nang napundi ang libo-libong TNVS drivers kay PBA Party List Koko Nograles dahil sa sinabing patuloy na panggigipit ng mamba­batas sa kanila.

Kung dati ay tikom-bibig ang TNVS drivers, ngayon ay inihayag ng TNVS driver leaders na isusulong nila ang de­manda laban kay Nogra­les na siya umanong dahi­lan kung bakit nagka­kawindang-windang ang kanilang kabuhayan.

“Dalawang buwan nang wala ‘yang P2 per minute, nagkakan­dau­tang-utang na kami para mabayaran ang monthly amortization ng mga sasakyan namin. Mapipi­litan na talaga kaming gu­mawa ng aksiyon. Isang buwan na lang na ganito pa ang sitwasyon, mama­matay na ang TNVS. Magdedemanda na kami ng damages laban kay Nograles,” ani Marvin de Belen, founder ng Organ­ized Transporters Net­work Society and Road Grabbers Group.

Simula 19 Abril, sinus­pende ng LTFRB ang P2 per minute fare component ng Grab dahil sa isinampang complaint ni Nograles sa ahensiya.

Kuwento ni De Belen, ilan sa kanilang mga ka­sa­mahan ay tumigil na muna sa pagpasada. Hin­di na raw kasi makasabay sa taas ng presyo ng krudo at gasolina ang kanilang kita sa pagmamaneho bilang TNVS, lalo nang suspendehin ng LTFRB ang P2 per minute fare component ng Grab.

Dahil dito, hirap maka-book ang mga pasa­hero, at mas mada­las na nagsu-surge ang pasahe dahil sa kaku­langan ng supply ng TNVS.

“Nahihirapan ang drivers sa suspension ng P2 per minute na ‘yan. Kung gusto kami tulu­ngan ni Nograles, bakit ‘di na lang n’ya iatras ang complaint? S’ya naman ang complainant sa kaso na ‘yan kaya sinuspende ng LTFRB ‘yung P2 per minute,” dagdag ni De Belen.

“Tutal ang pinag-ugatan naman ng pro­blema ay si Nograles, dapat ibalik n’ya sa amin bilang danyos ‘yang nalu­gi sa aming lahat na TNVS drivers na P2, na magda­dalawang buwan nang suspended,” ani  De Belen.

Pinabulaanan naman ni Jenina Pineda, isang TNVS driver na single mom, na sila ang lumapit kay Nograles para humi­ngi ng tulong tungkol sa kanilang mga problema.

“Ipinatawag n’ya kami sa meeting. Hindi kami ang humingi ng tulong kay Congressman Nograles. Umasa akong sincere s’ya nang humingi s’ya ng meeting, pero pagdating namin doon andaming media. Nagpa­kilala pa s’yang s’ya si Mr. Expose,” sabi ni Pineda.

Naiyak si Pineda sa meeting nang ikuwento na nahihirapan na s’yang bayaran ang kanyang bills sa koryente, simula nang nawala ang P2 per minute fare ng Grab.

“Tapos ang staff ni Cong na si Ms. Mae, palagi pang tumatawag sa ‘kin para humingi ng meeting sa akin. Bakit ako lang? Marami kaming apek­tado. Sana tratohin ka­ming tama at patas, kaming lahat na mga apektadong TNVS dahil sa ginawa n’ya,” dagdag ni Pineda.

Aminado ang Grab na tali ang kanilang kamay sa pagtugon sa proble­mang ito ng mga driver.

Noong nakaraang buwan, nag-file na ang kompanya ng petition para ibalik ang P2 per minute fare component.

“Hinihintay po natin ang sagot ng LTFRB. We already asked them to lift the suspension, para makabawi ho kayong TNVS drivers,” sabi ni Brian Cu, Country Head ng Grab, sa TNVS drivers.

Nangako ang Grab na isa-subsidize ang lugi ng drivers mula sa P2 per minute na nakabinbin ngayon sa LTFRB. Sabi ni Cu, ito ang paraan para makatulong sa supply at sa mas madaling pag-book ng mga pasahero.

Nakiusap si Cu sa mga driver na patuloy na bumiyahe para matu­gunan ang lumalaking demand ng mga pasa­­hero.

“Konting tiis lang po, makararaos din tayo. Sama-sama ho natin harapin ang problemang ito, hindi kayo papaba­yaan ng Grab,” dagdag ni Cu.

Sa ngayon, LTFRB lamang ang makasasagot kung kailan matutuldu­kan ang kalbaryo ng TNVS drivers at mga pasaherong umaasa sa serbisyong ito.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …