Tuesday , December 24 2024

13 Nigerian tiklo sa ‘love scam’

ARESTADO ang 13 Nigerians na sangkot sa “love scam” na binibik­tima ang mga Filipina sa Facebook at dating sites, sa pagsalakay ng mga awtoridad sa Imus, Cavite, kamakalawa.

Ayon sa ulat, pinasok ng Imus Police ang bahay ng target ng kanilang operasyon, agad pinada­pa at pinosasan ang mga dinatnang Nigerian na­tionals na ang ilan, natu­tulog pa sa kuwarto.

Nagtangka pang mag­t­­ago ang ilan sa mga dayuhan ngunit nahuli silang lahat.

Ayon sa pulisya, pumasok sa bansa bilang foreign students ang mga dayuhan noong nakara­ang taon. ‘Yun pala, front lang nila ito para sa kanilang online fraud scam.

Nagpapanggap daw silang mga Amerikanong sundalo gamit ang mga pekeng Facebook ac­counts, saka naghahanap ng mga Filipina na ma­bibiktima sa Facebook o online dating sites.

Ang masaklap, may mga kasabwat umano silang mga Filipino.

Kapag ang target na Filipina ay nasa ibang bansa, agad daw ipina­pasa ng Nigerians sa kanilang mga kasama sa sindikato sa bansang iyon.

Nakuha sa laptop ng mga suspek ang mga address at pangalan ng mga nabiktima ng sindi­kato.

Mayroong galing Iloilo, Cebu, Nueva Ecija, at Metro Manila na nabiktima gamit ang account na Putri Kevin.

Napaluhod at napa­iyak sa takot ang sinasa­bing lider ng grupo nang makaharap ang matataas na opisyal ng PNP Region 4A at iginiit na wala silang alam sa bintang.

“I did not scam her, God knows I did not scam her,” saad ni Em­manuel Chinonso Nnandi.

Ngunit positibo silang itinuro ng mga com­plainant at mga dating nob­ya ng Nigerians na nagdiin sa mga suspek.

“Mahilig po kasi tayo mag-post ng mga selfie na mukhang may kaya kaya ‘pag alam nang may kaya, ‘yun ang tinatarget nila,” pahayag ni Chief Supt. Edwin Carranza, Regional Director ng PRO 4A.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *