Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha ayaw mag-sorry kay Kris (‘This is not about you’)

“THIS is not about you.”

Ito ang tugon ni Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson sa pahayag ni Kris Aquino sa kanya nitong Martes, nang batikusin ng aktres ang post ng dating sexy dancer dahil sa umano’y “disrespect” sa yumao niyang mga magulang.

Sa 23-second video, idinepensa ni Uson ang kanyang desisyon na mag-post ng video na nagpapakita sa yumaong ama ng aktres, na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., habang hinahalikan ng dalawang babae, kasunod ng kontrobersiyang bumabalot sa paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang married Filipina sa kanyang pagbisita sa South Korea.

Ang video habang hinahalikan ng dalawang babae si Aquino ay kuha bago siya paslangin sa Manila airport noong 21 Agosto 1983. Ayon sa aktres, dahil sa post ni Mocha ay nanumbalik ang sakit na kanyang naramdaman nang mawala ang kanyang ama.

Hindi nagpakita ng takot, iginiit ni Uson na si Kris ay “barking up the wrong tree.”

“This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglalagay ng malisya sa isang halik. Itinumbas lang sa gawain ng isang leader tulad ng tatay niya. Ms. Aquino, this is not about you,” pahayag ni Uson sa Facebook video.

Nauna rito, inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na pumayag si Uson na humingi ng paumanhin kay Kris. Gayonman, hindi ito ginawa ng dating sexy dancer.

        Sinabi ni Uson: “With all due respect to everyone involved, I decline to apologize for the truth.”

Sa 17-minute live video sa Facebook at Instagram nitong Martes ng gabi, sinabi ni Kris na handa siyang harapin si Uson “anytime, anywhere.”

“I am giving you fair warning, isa pa na bastusin o babuyin mo ang tatay o ang nanay ko, magtutuos tayo,” banta ng aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …