Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
drugs pot session arrest

Lady cop, 2 pa timbog sa shabu pot session

NASAKOTE ng mga operatiba ng Taguig City police station ang isang babaeng kabaro at dala­wang iba pang kasama habang bumabatak ng hinihinalang shabu, nitong Sabado.

Kinilala ang nadakip na si PO3 Lyn Tubig, 38-anyos, nakatalaga sa 44th Battalion sa Camp Bagong Diwa, at ang kaniyang boyfriend na si John Vincent German, 21, at ama ng huli na si Fernando German.

Kinompirma ni National Capital Region Police Office chief, Chief Supt. Guillermo Eleazar na isa mga nahuli ay aktibong pulis na mi­yem­­bro ng Special Action Force at may ranggong Police Officer 3.

“Nalulungkot tayo na mayroon tayong kasamahan na babae pa man din na involve sa droga,” aniya.

“She has been in the service for 11 years, recruited ng Special Action Force, 38-years old and presently assigned at the Force Support Battalion based in the national headquarters ng Special Action Force in Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.”

Sinabing nahuli ang tatlo sa aktong nagsa-shabu session.

“May reported theft so may complainant na lumapit sa ating ka[pulis]an para magpa­tulong. During the follow-up, mayroon silang nakitang tumatakbo na may dalang baril. Sinundan nila ito ngayon hanggang mapunta sa lugar kung saan nakita nila ang tatlo na nagka­karoon ng pot session,” kuwento ni Eleazar.

Kasamang nakom­piska sa kanila ang tat­long sachet ng hinihi­nalang shabu, 41 piraso ng iba’t ibang mga bala, at isang replika ng baril.

“Walang lugar o puwang sa ating orga­nisasyon ang sinomang abusado o pulis na na-involve sa anomang illegal activities, lalong-lalo sa ilegal na droga,” ani Eleazar.

Iniimbestigahan din kung totoo ang impor­masyong sangkot sa ilang insidente ng pang­hoholdap ang tatlong suspek.

Todo hingi ng pau­manhin ang babaeng pulis sa kaniyang mga kabaro.

“Humihingi po ako ng tawad, saka sa unit ko po hindi ko po kayo gustong siraan. Ayaw ko pong madawit kayo sa kaso pasensiya na po hindi ko po gustong madawit kayo,” ani Tubig.

Bukod sa kasong kriminal na isasampa laban sa kanila, nahaha­rap rin ang babaeng pulis sa kasong admi­nistratibo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …