Tuesday , May 6 2025

Ulan banta sa school opening

SASALUBUNGIN ng ulan ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan ngayong Lunes dahil sa low pressure area o namu­muong bagyo sa east coast ng bansa, ayon sa weather bureau kahapon.

Ang weather system ay sinasabing maaaring lumakas bilang bagyo sa susunod na 24-oras at tatawaging “Domeng” kapag nakapasok sa Philippine Area of Responsibility, ayon kay PAGASA meteorologist Ezra Bulquerin.

Ang Palawan, Min­doro at western sections ng Visayas at Mindanao ay makararanas ng ka­tamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan hanggang ngayong Lu­nes, ayon sa PAGASA.

Ang nalalabing baha­gi ng Visayas at Minda­nao ay magkakaroon ng katamtamang pag-ulan habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng mainit na panahon na may kasamang malakas na pag-ulan dakong hapon at gabi, ayon sa weather bureau.

Dakong 3:00 am nitong Lunes, ang low pressure area ay nama­taan sa 390 kilometers east ng Surigao City.

Isa pang LPA, na lumabas ng PAR nitong Sabado, ang lumakas bilang tropical depres­sion, ngunit hindi na makaaapekto sa bansa, ayon sa PAGASA.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *