Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

‘Con artist’ timbog sa OLFU (Sa pekeng membership promo)

SWAK sa kulungan ang isang 31-anyos lalaki na nag-aalok ng mga bogus na membership promo para sa tatlong uri ng pampaganda at serbis­yong pangkalusugan sa mga estudyante, maka­raan arestohin nang bu­ma­lik sa paaralan upang maghanap muli ng iba pang bibiktimahin sa Valenzuela City, kama­kalawa.

Kinilala ni Valenzuela police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza Ruel ang suspek na si Carlo Fianza, residente sa Block 2, Lot 4, Arty 4, Brgy. Karuhatan, nahaharap sa kasong estafa, inaresto ng security personnel ng Our Lady of Fatima Univer­sity.

Ayon kay S/Supt. Mendoza, ang suspek ay positibong kinilala nina Danica Gravo, 21; Maria Edraly Balani, 20, at Joseph Van Pinto, 19, pawang mga estudyante ng OLFU, na nagbigay ng P500 bilang membership fee sa promos para sa pampaganda at health services ng Ulat Dental Clinic, Hair Mystic Salon and La Fraciosa Skin, at Body Center na may sangay umano sa SM Valenzuela.

Gayonman, nang puntahan ng mga biktima ang naturang mall, nala­man nila na walang sa­ngay ng nasabing establi­siyemento na nakalista sa mga polyeto at kalaunan ay nadis­kobreng ang La Frasiosa Skin at Body Center ay nasa Meycaua­yan, Bulacan.

Dakong 1:30 pm kamakalawa, nang mais­pa­tan ng mga biktima ang suspek sa loob ng com­pound ng kanilang paa­ralan kaya agad silang humingi ng tulong sa security personnel at ipinaaresto si Fianza.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …