Monday , December 23 2024

BBL ipinaubaya ng BTC sa Kongreso

INIHAYAG ng Bangsa­moro Transition Commis­sion (BTC) na kanila nang ipauubaya sa mga mam­babatas ang tuluyang pag-aaproba sa Bangsa­moro Basic Law (BBL), ito ay makaraang mailusot sa pinal na pagbasa ng Kamara at Senado.

Binigyang diin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chair­man for political affairs at expanded BTC head Ghadzali Jaafar, nakita nila ang pagsisikap ng mga mambabatas na nag­sulong ng panukala.

Nais ng MILF official na mapanatili ng bica­meral conference com­mittee ang ilang orihinal na probisyon na dati na nilang ipinupursigi.

Nananalig sila sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na mai­sasama sa SONA sa Hulyo ang BBL bilang ganap na batas, lalo’t personal umano itong sinabi sa kaniya ng punong ehekutibo.

Kasama si Jaafar sa mga nakipagpuyatan sa mga senador sa debate para sa BBL sa kanilang last session day.

Una rito, inabot ng pasado 1:00 am, ang paghimay ng mga sena­dor sa mahigit 100 pa­hina ng panukalang batas.

Ngunit ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kaya tumagal nang hanggang umaga ang proseso nila ay upang matiyak na maipapasok ang mga kinakailangang pag­babago at matanggal ang mga bahaging maa­aring kuwestyonin sa aspektong legal.

Sa huli, 21-0 ang naging botohan ng mga senador para sa BBL.

Wala sa pagdinig si Senador Manny Pac­quiao at ang nakapiit na si Senadora Leila de Lima.

Habang sa Kamara ay 227 mambabatas ang pumabor, 11 ang ku­montra at dalawa ang nag-abstain.

Dahil dito, ihahabol ng bicameral conference committee ang pagsa­sa­ayos ng pinal na ber­si­yong lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, bago ang kaniyang SONA.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *