Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P100-M arson sa Binondo hihimayin ni Cimatu

INIUTOS ni  Environment Sec. Roy Cimatu nitong Hu­we­bes ang imbestigasyon sa naganap na sunog na tumupok sa Land Management Bureau (LMB) sa Binondo, kamakailan.

Tinatayang aabot sa P100 milyon halaga ng mga kagamitan at mga dokumento ang natupok sa sunog na nagsimula sa LMB building sa ika-pitong palapag, at mabi­lis na kumalat ang apoy sa tatlong iba pang esta­blisiyemento, kabilang ang National Archives.

Hinala ng mga awto­ridad, arson ang naganap dahil ayon sa isang emple­yado, nakarinig sila ng pagsabog bago nagsimu­la ang sunog.

“Cimatu orders probe into media reports that arson may have caused Monday’s pre-dawn fire that gutted the LMB building in Binondo,” a­yon sa Environment Depart­ment sa kanilang Twitter account.

“While we hope that this is not the case, arson is a serious crime and the #LMB fire significantly impacts Filipinos who place premium value on land,” ayon kay Cimatu.

Ayon sa DENR, ang LMB ay nagbukas ng temporary assistance desk sa lobby ng DENR Central Office sa Quezon City upang tugunan ang land-related queries ha­bang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …