Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 kalihim kompirmado

MAGKAKASUNOD na kinompirma kaha­pon ang ilang bagong opisyal na itinalaga sa Duterte administration.

Kabilang sa kinom­pirma sina Commission on Elections (Comelec) Commissioner Socorro Inting, Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, at Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. John Castriciones.

Ngunit bago kinom­pirma, nagbilin si Sen. Grace Poe kay Cas­triciones na hindi iba­basura ang mga rekla­mo laban sa DAR chief, kundi ilalagay lang ang mga iyon sa book­marks.

Muli umanong gigi­sahin ang nasabing mga opisyal kapag hindi tumupad sa mga pa­ngako, sa panahon ng paghingi nila ng budget sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso.

Una rito, nagisa sa pagtatanong ng CA members si Guevarra dahil sa mga kontro­bersiyal na resolusyong inilabas ng DOJ sa mga nakaraang buwan.

Matatandaan, nala­gay sa kontrobersiya ang DOJ dahil sa resolusyon na nagbabasura sa kaso ng ilang drug lords at maging ang pagpasok noon ng binansagang “pork barrel scam queen” na si Janet Lim-Napoles sa coverage ng Witness Protection Program.

Ngunit dahil hindi pa iyon kagagawan ng bagong kalihim ng DoJ, nagdesisyon ang mga kasapi ng Commission on Appointments (CA) na kompirmahin ang opisyal sa bagong tungkulin.

Samantala, pormal na kinompirma sa plenary level ng makapang­yari­hang CA si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Pu­yat.

Sa endoso ni Iloilo Rep. Jerry Trenas, inisa-isa niya ang mga nakamit na tagumpay at maging ang personal record ni Puyat.

Habang agaw-pan­sin ang pagtawag ni Senate President Tito Sotto ng “little mer­maid” sa kapalit ni dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo.

Nagbitiw si Teo dahil sa mga kuwesti­yon sa mga deal na pinasok ng kagawaran.

Agad din inapro­bahan ng CA sa plenary level ang ad interim appointment ni Armed Forces (AFP) Chief of Staff Carlito Galvez Jr.

Ito’y makaraan ita­laga ni Pangulong Rod­rigo Duterte si Galvez, bilang kapalit ni retired AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero.

Kasabay ni Galvez, kinompirma rin ang brigadier general rank nina Rolando Rodil at Joselito Maclang.

Lusot din sina Nel­son Collantes bilang brigadier general (reserve) at Emmanuel Mahipus bilang colonel ng Philippine Air Force (reserve).

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …