Tuesday , April 15 2025

P750 national mininum wage panukala sa Kamara

INIHAIN sa Kamara nitong Lunes, ng mga mambabatas na kasapi ng Makabayan bloc, ang panukalang batas na naglalayong itakda sa P750 ang minimum wage kada araw sa lahat ng rehiyon sa bansa.

Sa ilalim din ng House Bill 7787, bubu­wa­gin ang National Wages and Productivity Com­mis­sion na gumagawa ng mga polisiya sa sahod at bibigyan ng mandato ang pangulo na magtakda ng national minimum wage.

Ayon kay Bayan Mu­na Rep. Carlos Zarate, layunin ng panukala na maibsan ang hirap na nararanasan ng mga Filipino na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng reporma sa buwis.

“The minimum wage must be reverted back to a national wage standard. Almost all prices of basic good and services being traded in all regions are similar nationwide,” sabi ni Zarate.

Ayon kay Zarate, mali umanong ipagpalagay na mas mababa ang gastos ng pamumuhay sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.

“It is not reflective of the real situation,” aniya.

Sa kasalukuyang sistema, itinatakda ang minimum wage sa bawat rehiyon ng mga regional board.

Ang pinakamataas ay sa Metro Manila sa P512 kada araw habang pina­kamababa sa Ilocos Region sa P280 kada araw.

Batay raw sa pag-aaral ng IBON Found­ation, ani Zarate, kina­kailangan ng isang pamil­yang may anim miyem­bro, ng P1,168 para ma­tugunan ang mga pang-araw-araw na panga­ngailangan, na malayo sa kasalukuyang halaga ng mga minimum wage.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *