Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tserman kritikal sa boga (Sa Pasay City)

INOOBSERBAHAN sa pagamutan ang isang barangay chairwoman ma­karaan barilin ng nag-iisang gunman sa Pasay City, nitong Sabado ng hapon.

Nakaratay sa Manila Adventist Hospital ang biktimang si Teresita Biscocho, 59, chairwoman ng Brgy. 1, Zone 1, at residente sa 1739 Cuyeg­keng St., F.B. Harrison ng lungsod.

Ayon sa ulat, binubu­sisi ng pulisya ang CCTV footage para sa pagkaka­kilanlan ng gunman na may taas na 5’5, kayu­manggi, nakasuot ng itim na helmet, naka-sunglass, rubber shoes at lulan ng MIO scooter na pula at walang plaka.

Sa report na natang­gap ni Pasay City Police chief, S/Supt. Noel Flores, nakita sa CCTV camera na dakong 1:10 pm, mula sa Southbound ng F.B. Harrison, kumanan ang isang motorsiklo lulan ang suspek sa Layug St., at kumanan muli sa Cuyegkeng St.

Sinasabing may hina­hanap umano ang suspek at nang hindi niya makita ang target ay umikot muli at bumalik upang alamin kung naroroon na ang kanyang hinahanap.

Nang mamataan ang target na naghuhugas ng pinggan sa tabi ng ba­rangay hall, agad bumu­not ng baril ang suspek at tatlong beses na pinapu­tukan ang biktima.

Ayon kay S/Insp. Wilfredo Sangel, hindi pa nagbibigay ng anomang pahayag ang pamilya ni Biscocho dahil abala sa pag-aasikaso sa biktima.

Dagdag ni Sangel, ilan sa mga kaibigan ng biktima ang nagpahayag sa imbestigador na may natatanggap na banta sa buhay ang biktima.

“Lahat ng posibleng motibo ay aming tiniting­nan,” ani S/Insp. Sangel.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …