Tuesday , April 15 2025

Abogado ni Bongbong supalpal sa SC

KINASTIGO ng Presi­dential Electoral Tribu­nal (PET) ang isang abogado ng talunang kandidato na si Ferdi­nand Marcos Jr. dahil sa kwestyonableng galaw sa ginagawang manual recount ng boto para sa bise presidente.

Pinagsabihan ng PET si Atty. Joan Padilla, isa sa counsels of record at ang party supervisor ni Marcos sa kanyang election protest laban kay Vice President Leni Robredo, dahil sa maling kilos nito sa ginagawang manual recount.

Pinagbawalan ng PET si Padilla na makia­lam sa sinoman sa mga PET Head Revisors at sa kabuuan ng proseso ng revision. Nagsimula ang revision noong ika-2 ng Abril 2018 at unang binuksan ang ballot boxes ng Camarines Sur.

Inutusan kasi ni Padilla ang PET Head Revisors na sundin ang 50-percent threshold percentage sa manual recount.

Inutusan pa niya ang PET Head Revisors na ilagay sa bawat sulok at sa bawat mesa sa revision area ang naunang resolu­syon ng PET ukol sa thre­shold.

Narinig din si Padilla na minamandohan ang PET Head Revisors na huwag nang ikompara ang botong nakuha ni Robredo sa election returns. Ang election returns ang naging basehan ng National Board of Canvassers sa pagpro­klama kay Duterte at Robredo nung 2016.

Nangamba ang ilan sa mga nakakita ng paggalaw ni Padilla na baka senyales ito ng isang planong panggug­u­lo sa dapat sana ay maayos na proseso ng recount.

Matatandaang simu­la pa lang ng recount sa Camarines Sur ay ano-anong balita ang inilalabas ng kampo ni Marcos, mula wet ballots hanggang audit records na hindi raw iniwan sa ballot boxes.

Ngunit napatuna­yan naman na walang pandarayang nakakabit sa wet ballots. Maging ang audit records ay hindi dapat iniiwan sa ballot boxes base sa alituntunin mismo ng Comelec.

About hataw tabloid

Check Also

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *