Monday , April 14 2025

32 OFWs mula Qatar balik-PH

DUMATING sa bansa ang 32 over­seas Filipino workers (OFWs) mula sa nagsarang construction company sa Doha, Qatar, nitong Sabado.

Dumating ang grupo sa NAIA Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight 928 at sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Salaysay ng mga OFW, apat buwan silang hindi pinasahod ng kompanya at nawalan ng pagkain sa tinitirahan bago malaman na isasara na ito.

Nadesmaya ang 32-anyos na si Mark Joseph Hermosa dahil unang beses niyang magtra­baho sa labas ng bansa. Wala umano tuloy siyang naipadala sa mga kaanak niya rito sa Filipinas.

Humingi ng tulong ang mga trabahador sa embahada para makauwi. Inisponsoran ng foundation ng pamahalaan ng Qatar ang pag-uwi nila.

Sinabi ng mga umuwi na may­roon pa silang mga kasama­hang naiwan sa Qatar.

Noong mga nakaraang bu­wan, umuwi rin ang ilang Filipino na nagtrabaho para sa Advance Vision sa Kingdom of Saudi Arabia.

Balak ng mga trabahador ng Advance Vision na habulin ng danyos ang employment agency nila.

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *