EKSAKTONG 30 araw nitong Sabado nang isara ang Boracay para sa rehabilitasyon ng isa sa pinakasikat na isla ng Filipinas sa buong mundo.
Pero ayon mismo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, hindi kakayanin na buksan ang Boracay sa publiko sa loob ng anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon.
Malamang daw na humigit pa rito.
Sa loob ng 30 araw maraming nabistong underground septic pipes na ibinaon malapit mismo sa shoreline.
Ang nakagugulat dito, ang nasabing underground septic pipes ay ibinaon mismo ng Philippine Tourism Authority (PTA noon, TIEZA na ngayon).
Mantakin ninyo, ahensiya mismo ng gobyerno ang nagbaon ng ilegal na ‘underground’ septic pipes?!
Ibig sabihin, ‘yung dating PTA ang pasimuno na ideretso sa dagat ang lahat ng dumi na nanggagaling sa maraming establishments at kabahayan sa nasabing isla?!
Wattafak!
Ibig sabihin habang naglilinis ang team nina Secretary Cimatu, kailangan din nilang paimbestigahan nang mabilis ‘yan dahil baka makapuslit ang mga ‘kumita’ ‘este ang mga pasimuno sa pagbabaon ng underground septic pipes sa shoreline.
Mantakin ninyo, mayroon pa rin talagang mga negosyante na kumita lang nang malaki ‘e balewala sa kanila kahit mawasak ang ating kalikasan?!
Magtataka pa ba tayo kung bakit may E. coli ang karagatan sa Boracay?!
Ito lang ang malaking tanong natin, mayroon pang environmental planner at urban planner na makakatulong ang DENR para ayusin ang Boracay?!
Hindi naman puwedeng puro linis at tuklas lang ng mga underground septic pipes. Kailangan talagang may bagong plano kung saan pupunta ‘yang mga dumi na ‘yan…
Secretary Cimatu, umaasa ang publiko na magiging matagumpay ang gagawing paglilinis at rehabilitasyon sa Boracay…
Aasahan po namin ‘yan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap