Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nat’l ID system tuloy na tuloy na ba ‘yan?!

APROBADO na sa Bicameral committee ang national ID system na tatawaging Philippine Identification System (PhilSys).

Ito po ‘yung pagsasanib ng lahat ng identification cards na ginagamit ng bawat mamamayan.

Marami ang nagsasabi na mapanganib ito at posibleng makompromiso ang seguridad ng isang tao.

Pero mayroon din tayong naririnig na mas gusto nila ito para hindi sandamakmak na IDs ang hinahanap sa kanila ng iba’t ibang institusyon o ahensiya ng gobyerno.

Hindi ba’t kapag nagbukas ng bank account, ang hahanapin agad, dalawang gov’t issued ID?!

Mayroon din tayong voter’s ID, pero hanggang mag-eleksiyon na hindi pa rin nakikita at nagagamit ng constituents.

May postal ID rin na kapag kumuha ka e gagastos nang mahigit sa P500. Pero kapag ipinakita mo sa isang ahensiya, hahanapan ka pa ng ibang ID.

O ‘di ba?

Kasama na rin kaya riyan ang Senior Citizen ID at PWD ID?

Sa ganang atin, mas mabuti na’ng isang ID na lang ang gamitin ng bawat Filipino.

Sabi nga, mas simple mas walang hassle.

Sana lang ay hindi ito matulad sa plaka at lisensiya ng Land Transportation Office (LTO) na nabitin nang ilang panahon dahil sa pagtuturuan ng iba’t ibang ahensiya.

Wish lang natin na maging maayos ang implementasyon ng PhilSys.

For the meantime, let’s keep our fingers crossed…

NEARSIGHTED BA
SI MPD DIRECTOR
S/SUPT. JIGZ CORONEL

KAYA bilib ang mga lespu kay Manila Police District (MPD) Director, S/Supt. Jigz Coronel, tanaw niya ang mga nagaganap kahit sa malalayong estasyon.

Kaya nga agad niyang napapalitan ang mga  undesirable.

Gaya ng ginawa niya kamakailan.

Pero mukhang malabo raw ang mata ni Kernel Jigz kapag malapit sa kanyang opisina…

Hindi raw yata nabubusisi ni Kernel Jigz ang mga ‘tanggapan’ sa headquarters na over­staying na ang ilang  opisyal?!

‘Yung iba nga raw, wala pa si Kernel Jigz e nandiyan na, at baka mailipat na si Kernel Jigz, nariyan pa rin?!

Malamang hindi lang Elmer’s Glue ang ipinandikit sa mga puwet nila. Baka mas matibay pa sa Mighty Bond.

Arayku!

Kidding aside, Kernel Jigz, hindi mo ba napapansin na ‘yung ibang opisyal  ninyo riyan sa MPD e parang ‘titos’ and ‘titas’ na ninyo sa tagal na nila riyan?!

Aba, mamasyal naman sila sa labas ng Maynila. Hindi sa Baseco lang ha, Kernel Jigz, ha?!

Pero kung nearsighted talaga kayo, Kernel Jigz, panahon na siguro para patingnan ninyo ang mga mata ninyo.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *