Saturday , April 12 2025

DAR inireklamo sa makupad na aksiyon

NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang isang pribadong mamamayan na silipin ang dahilan ng makupad na pagtugon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa kasong pitong taon nang nakasalang sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Jeff Garrido, pitong taon na nilang hinihintay ang  Order of Execution para sa kasong DARAB Case No. 17185 (Gorgonia Mariano versus Spouses Joseph Andres et al) pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang maaninaw na katuparan.

Nitong nakaraang 3 Enero 2018, muling nagpadala ng follow-up letter si Garrido sa DAR ngunit sinagot umano ito ni Atty. Roland Manalaysay, Executive Director, DARAB Secretariat, sa kanyang Indorsement letter noong 5 Pebrero 2018, na ang nasabing kaso ay reresolbahin agad.

Hiniling din umano ni Garrido na hingin ang pangalan ng Ponente para sa 17185 para makapaghain umano siya ng kaukulang reklamo sa Supreme Court o sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) para sa Disbarment and Discipline of Attorneys Rule 139-B.

Ngunit ilang buwan na ang nakalilipas, hanggang ngayon ay wala pang linaw kung maglalabas na ang desisyon ng DAR.

Umaasa si Garrido, na mabibigyan ng pansin ng Palasyo ang kanyang reklamo.

About hataw tabloid

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *