Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Riding-in-trio sumemplang kritikal (Pulis tinakasan)

KRITIKAL ang kalagayan ng tatlo katao, kabilang ang 17-anyos estudyante, ma­ka­ra­an sumemplang ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo nang takbohan ang mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng madaling-araw.

Ginagamot sa MCU Hospital si Jassen Delemon, 20, service crew, habang kapwa inoobsebahan sa Jose Reyes Memorial Medi­cal Center ang kanyang back rider na sina Niko Sese, 19, at Raymond Ca­buenos, 17, estudyante, pawang mga residente sa Camia St., Brgy. Maysilo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Francisco Verzosa, dakong  3:45 am nagsasa­gawa ng Oplan Sita ang mga pulis sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., sa harap ng Petron Gasoline Station, Brgy. Catmon, nang mapan­sin nila ang tatlong sakay ng isang motorsiklo na pawang walang suot na helmet kaya pinara ng mga awtoridad.

Ngunit imbes huminto, humarurot ang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis at pagsapit sa kanto ng Sanciangco at Bustamante steets, Brgy. Tinajeros ay nawalan ng kontrol si Delemon sa motorsiklo naging dahilan upang sila ay sumemplang.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …