Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Banta ni Karla sa bashers: aabangan ko sila sa mga bahay nila

BAGO gawin ni Karla Estrada ang pangarap niyang pelikulang BarnaPinay Superhero na spoof sa Darna ni Angel Locsin na gagawin na ngayon ni Liza Soberano ay uunahin muna niyang gawin ang Familia BlandINA.

May patikim naman si Barna dahil kasama siya sa Vice Ganda na Gandarrappido: The Revenger Squad bilang si Peppa/Barna.

Kuwento ni Karla nang makatsikahan namin sa set visit ng Familia BlandINA”hindi pa this year dahil kasi siyempre dapat maunang ipalabas ang movie ni Liza bilang si ‘Darna.’ Kasi siyempre may mga spoof si Barna, ‘di ba? Kaya hindi ako puwedeng mauna. Si ‘Darna’ muna, so mga 2019 pa.”

Samantala, nagkuwento si Karla tungkol sa bashers na lumalait pa rin sa mga artista lalo na sa KathNiel na hindi pa rin tumitigil.

“Ang bashers ng KathNiel ay bashers ko rin. Alam n’yo hindi kasi talaga ako nakikipag-away dito (cellphone) kasi gusto ko talaga hanapin ‘yung bahay (bashers) tapos abangan sila sa labas ng bahay. Kilala naman ako ‘di ba, noong araw pa gusto ko harapan tayo.

”Actually, ‘yung mga bastos na talaga. ‘Yung ginagawan mo na ng picture si Daniel na hawak ‘yung…alam n’yo na, mga ganoong kababuyan. ‘Yung nag-e-effort talaga na gumawa ng ganoon tapos ipino-post.

“But nothing against sa mga kaibigan nating mga bakla ha, pero alam mo kinukutya rin nila ang mga bading sa mga ginagawa nila. So, nakakabwisit hindi lang kay Daniel pati na rin sa mga kaibigan kong gay, kasi masakit din ‘yun eh. Ginagawa nilang katatawanan. Bastusan na.

“Kaya pag ganoon hinahanap ko talaga (netizen). Kadalasan naman naka-private eh. Itlog (profile) lang ‘yung kaaway mo. Wala man lang picture. Eh, minsan may mga malalakas ang loob na talagang nagpapakita.

“Kapag ganoon, nagpi-PM (private message) ako, ‘magkita na lang tayo o ‘di kaya pumunta ka rito, ikaw pumunta rito sa bahay kung ayaw mong malaman ko ang bahay mo.’Yung mga ganoon. Action star din naman ang mother. Tapos biglang nagpa-private. Nagtatago agad sa saya ng nanay niya,” kuweto ni Karla.

Going back to Familia BlandINA ay kasama ni Karla sina Jobert Austria, Marco Gallo, Xia Vigor, Marissa Delgado, Buboy Garovillo, at Twinkel na idinidirehe ni Jerry Lopez Sineneng mula sa Arctic Sky Productions at Star Cinema.

Bakit Familia BlandINA ang titulo, ”kasi lahat ng mga anak ko blonde kasi ako nakapag-asawa ng puti, tapos si Jobert asawa niya puti rin. Pareho kaming namatayan ng asawa tapos naging kami, ‘yung mga anak namin puro blonde na pinauwi namin dito sa Pinas, hayun, riot na kasi hindi sila sanay sa buhay probinsiya dahil walang wifi at kung ano-ano pa.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …