Tuesday , April 15 2025

2 OFWs patay sa sunog sa Saudi Arabia

NAMATAY ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia nang masunog ang kanilang tinutuluyan, ayon sa opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, naganap ang sunog dakong 10:00 pm sa Najran province, isang probinsiya sa Western Region ng Saudi Arabia.

Sinabi ni Badajos, nagpadala na sila ng team sa lugar ng insidente para makakuha ng detalye at maasikaso ang labi ng dalawang OFWs.

Base sa inisyal na impormasyon na natang­gap ng konsulado mula sa kompanya ng mga namatay na OFW, sinabi ni Badajos na posibleng electrical con­nection ang dahilan ng sunog.

Hindi muna pina­ngalanan ni Badajos ang dalawang OFW na nama­tay habang hindi pa na-k­okontak ang kanilang mga pamilya.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *