Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DILG Usec Diño isasalang sa Kongreso (Sa ibinunyag na vote buying )

HINDI lang mga nanalong barangay chair­persons na nasa narco-list ang ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Under­secretary Martin Diño. Ibinunyag din niyang naging talamak ang vote buying nitong nagdaang barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections.

Kumbaga, hindi kompiyansa si Usec. Diño na malinis ang boto nitong nagdaang eleksiyon. Kung dati ay P200-P500 ang ipinamumudmod ng ilang kandidato, nitong nakaraan umano ay P2,000 hanggang P3,000 ang ipinamumudmod ng mga tumatakbong barangay chairman.

Ang unang ibinunyag ni Usec. Martin, sa 207 barangay chair at kagawad na nasa narco-list, 115 ang nag-reelection at mahigit 100 umano ang nanalo.

Kaya ang suspetsa niya, lumarga ang drug money pero may nabalitaan din umano siya na ilang congressman at mayor ang namumudmod ng kuwarta para ibili ng boto ng mga ‘tuta’ at ‘alaga’ nilang barangay candidates.

Hindi lang ‘yan, magsusulong din umano ng lifestyle check si Usec. Diño sa mga nanunung­kulang barangay officials.

“Ipa-check namin pati SALN (State of Assets, Liabilities and Net Worth) nila, lalo na rito sa Metro Manila, ang yayaman, ang lalaki ng barangay.”

‘Yan ang sabi ni Usec. Martin.

Ang siste, mukhang hindi nagustuhan ng mga mambabatas ang pahayag na ito ni Usec. Diño kaya magpapatawag sila ngayon ng imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay ng naganap na vote buying nitong nakaraang BSK elections.

Aba kung may pruweba si Usec. Diño, mas mainam ngang maiharap ito sa Kongreso nang sa gayon ay mailantad sa publiko kung sino talaga ang ‘sumisistema’ ng vote buying tuwing eleksiyon.

Tututokan po namin ‘yan, Usec. Diño!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *