Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Newcomer na si Christienne Viloria, saludo sa galing ni Arjo Atayde

HILIG ng guwapitong si Christienne Viloria ang mag-artista, kaya naman sa ngayon ay sumasabak na siya sa acting workshop. Si Christienne ay pinsan ng BeauteDerm CEO at owner na si Ms. Rhea Tan at sa launching ni Arjo Atayde bilang brand ambassador ng The Origin Series perfume ng BeauteDerm ay present ang tisoy na binata.

“On going po ang acting workshop ko ngayon sir, sa San Juan po with Ms. Mosang po,” panimula ng 24 na si Christienne na tubong Ilocos at graduate ng Comm Arts sa Saint Louis University sa Baguio City.

Idol mo raw si Arjo? “Yes po, kasi sir versatile po siya pagdating sa craft niya at makikita mo talaga yung conviction sa bawat character na pino-portray niya po.

“Sa Ang Probinsyano ko po siya unang napanood at bumilib ako sa kanya. Ngayon nga, nakikita naman natin na napaka-versatile na actor talaga ni Arjo.”

Kung bibigyan ka ng chance, ano ang tipo ng role na gusto mo magampanan?

“Sa ngayon sir kahit ano pong role tatanggapin ko po as part of learning the craft,” maikling tugon niya.

Bukod kay Arjo, sino pa ang gusto mong makatrabahong artista? “Bela Padilla po talaga sir, kasi si Bela, bukod sa magaling na aktres ay magaling din po na writer, kaya nai-impress po ako sa creativity niya.”

Wish mo rin ba na someday ay maging endorser ka rin ng BeauteDerm perfume? Gumagamit ka ba ng perfume na ine-endorse ni Arjo?

“Definitely sir! Kung puwede lang po na i-endorse lahat ng products ni Ms Rei sir, it would be an honor po.

“Yes sir, gumagamit po ako ng perfume na ine-endorse ni Arjo and it is highly recommendable po talaga.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …