Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, nagsikap: mula sa chuwariwariwap lang, ngayo’y leading lady na ni Dingdong

SI Anne Curtis iyong isang aktres na masasabi nating nagsikap nang husto para sa kanyang career. Nagsimula siya bilang isang child star sa isang pelikula, pero hindi kagaya ng ibang mga artista na nagpabaya sa kanyang sarili, talagang nagsikap siya hanggang sa maging isang teenager, makasama sa isang TV series, at hanggang sa maging artista nga sa isang pelikula.
Iyong mga kasabayan niyang nagsimula, lahat wala na ngayong career, pero tingnan naman ninyo kung ano na ang naabot ni Anne. Kaya nga noong sinasabi ni Anne noong press conference niyong Sid & Aya, na noong una silang magkasama ni Dingdong Dantes 20 years ago ay kasama lang siya sa mga “chuwariwariwap”, at hindi niya naisip na magiging leading man niya si Dingdong later on, natawa na lang kami dahil alam naman namin kung paano siya nagsikap.
Kung iisipin mo nga, lamang pa si Anne kaysa kay Dingdong, dahil on record, mas marami siyang pelikulang kumita ng mas malaki. Kaya nga siguro kung magkatambal man sila ngayon ni Dingdong ay masasabing equal footing lang naman sila.
Iyang si Anne ay isang magandang example ng isang aktres na alam mong nagsikap nang husto. Wala siyang pakialam ano man ang sabihin sa kanya, ang mahalaga ay matutuhan niya kung ano ang tama at maging isa siyang mahusay na aktres. Siya rin iyong tipong inuna muna ang  career kaysa kung ano mang bagay na personal. Marami tayong nakita na mahuhusay din naman sana pero nasira kasi maaga pa nagpabuntis na. Naging limitado na ang magagawa dahil sa kanilang sitwasyon sa buhay. Inuna kasi iyong personal eh.
Pero si Anne, naghintay ng tamang pagkakataon para mag-asawa. Inilagay sa ayos ang kanyang buhay, at sinigurong magiging maganda pa rin ang career.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …