Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

COO Buboy, buhay milyonaryo sa TPB hindi ‘Buhay-Carinderia’

UMAASA tayong taos sa puso ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang kanyang pag-iyak at ito’y hindi ‘luha ng buwaya’ para makahikayat ng awa at simpatiya.
Mahirap din kasing mabansagang ‘iyakin’ Madam Berna. Nakahihiya namang isipin ng mga tao na kinukuha mo lang sa iyak ang simpatiya ng tao.
Anyway, naniniwala tayo sa layunin ni Madam Berna na linisin ang ‘katiwalian’ na pinamuninian ng mga tiwaling opisyal sa Department of Tourism (DOT) at palagay natin ay ganoon din naman ang maraming mamamayan kaya hindi na niya kailangang umiyak sa publiko.
Sino nga naman ang mag-iisip na si Cesar “Buboy” Montano ay masasangkot sa isang nakahihiyang eskandalo na hindi lamang ginawang ‘engot’ ang kanyang sarili kundi ‘ginago’ pa ang mamamayan.
Hindi man lang ba niya naisip na mayroong sinusunod na tuntunin sa paglalabas ng pondo ng pamahalaan?!
Mantakin ninyo, hindi pa nga nauumpisahan ang proyektong “Buhay Caridneria” e binayaran na, in full payment ang P80 milyones?!
Wattafak!
Sino ang mga makikinabang bakit kay bilis ng lagdaan?!
May alam ba talaga sa Buhay Carinderia ang gaya nina Madam Legaspi ng Marylindbert International at ang celebrity na si Erwan Heussaf, Tourism Promotions Board (TPB) chief operating officer (COO) Buboy Montano?!
O baka naman tayong mga Filipino ang kinakarinderia ng mga mokong?!
Mantakin naman ninyo, hindi pa tapos ang project, bayad agad?!
Wattafak again!
Akala natin noong una ay ‘feeding’ program ‘yang Buhay Caridneria na ‘yan, ‘yun pala promotion lang.
Klarong-klaro na sasalok lang ng kuwarta!
Ano ba ‘yan COO Buboy?!
Desmayadong-desmayado ang mga fan mo sa diskarte mo.
Istayl-bulok!
Aba e, parang sariling kuwarta ninyo ang ipinamimigay ninyo.
Kasama nga kayo sa kampanya para kay Tatay Digong noong eleksiyon, ngayon naman mukhang sa ‘pitsaan’ naman kayo sumasama.
Kaya ngayon  ay hugas-kamay si Buboy at kung sino-sino ang itinuturo — gaya ni resigned Tourism chief Wanda.
Tsk tsk tsk…

Milyonaryo, bilyonaryong mambabatas mag-waive na kayo ng suweldo?

Hayan na naman, nalantad na naman sa publiko ang yaman ng mga mambabatas.
Siyempre nasa tuktok ng mayayamang mambabatas sina senators Cynthia Villar at Manny Pacman .
Mayroon pa bang iba?!
Kung papasok siguro sa politika sina Gokongwei o sina Sy, baka mayroon na silang kakompetensiya.
By the way, kung hindi na kailangan ng pera ng mayayamang solons, bakit hindi na lang i-donate sa mga kapos nating kababayan?!
O kaya naman, huwag na silang kumuha ng suweldo mula sa pamahalaan… i-waive na nila ‘yan!
At ibigay sa mga may problema sa kalusugan lalo sa senior citizens at PWDs.
O kaya maglaan ng halaga para sa matrikula ng mga batang hindi mapaaral ng kanilang mga magulang.
Higit sa lahat, pagkain para sa mga kababayan nating hindi makaahon sa malnutrisyon.
Kakasa ba kayo riyan Madam Senator Cynthia and Senator Pacman?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …