Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Itinatayong flyover gumuho (Sa Imus, Cavite)

GUMUHO ang gitnang bahagi ng itinatayong flyover sa Imus, Cavite nang mawala sa balanse ang isa sa ikinakabit na support beam, dakong 11:45 pm nitong Sabado.

Nagkalat ang tipak-tipak na mga semento at iba pang materyales sa Emilio Aguinaldo High­way nang gumuho ang gitnang bahagi ng itina­tayong flyover.

PINAGTULUNGAN ng lokal ng pamahalaan ng Cavite, DPWH at contractor ng JBL Builders ang clearing operations sa bumagsak na bahagi ng itinatayong flyover sa kahabaan ng Aguinaldo Highway kanto ng Daang Hari sa Imus, Cavite kahapon. (ERIC JAYSON DREW)

Masuwerteng walang naitalang nasugatan sa insidente ngunit nadaga­nan ng gumuhong beams ang isang trailer truck ng project contractor at isang motorsiklo ng traffic enforcer.

Pansamantalang na­ka­sarado sa mga moto­rista ang Emilio Agui­naldo Highway sa kanto ng Daang Hari at tina­tayang aabutin hanggang Lunes bago tuluyang maalis lahat ng naka­hambalang sa kalsada.

Inabisohan ang mga motorista na dumaan muna sa Anabu Road, Daang Santol Road at Malagasang Road para sa light vehicles habang maaaring dumaan ang mga truck at bus sa Salitran Road at Molino Boulevard.

Tinatayang aabot sa P13 milyon ang halaga ng pinsala ng naturang insidente.

Samantala, pinabu­laanan ng Department of Public Works and High­ways ang mga alegasyon na substandard ang ginamit na mga mater­yales kaya gumuho ang bahagi ng flyover.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …