KARAMIHAN sa hindi mainam na mga aspeto ng bahay o apartment ay maaaring maiwasto sa maraming remedyo sa Feng Shui.
Ito ay sa paraang pagdetermina ng iyong focus at pagpili ng mga remedyo na sa iyong palagay ay wasto at nababagay sa inyong bahay o buhay.
Ngunit mayroon ding ilang mga aspeto ng bahay na mahirap baguhin nang walang major renovations.
Sa pagtatayo ng bahay, magkakaroon ka ng oportunidad, mula sa simula, sa pagbubuo ng bahay na hihikayat sa pagdaloy ng chi at makatutulong sa iyong matamo ang iyong mga mithiin.
Sa koordinas-yon sa arkitekto o pagpili ng stock home layouts, iwasan ang Feng Shui “Don’ts.”
*Huwag ilalagay ang bathroom sa central palace ng bahay. Sa iyong paglatag sa Ba Gua sa ibabaw ng floor plan, ang center trigram, kumakatawan sa iyong health and well-being, ang central palace. Upang maiwasan ang health and financial issues, iwasang ilagay ang bathroom sa lokasyong ito.
*Huwag ilalagay ng kitchen na kung saan makikita mo ang kalan mula sa front door. Ayon sa Feng Shui principles, ito ay maaaring maghikayat ng malas sa buhay ng mga residente.
*Huwag maglalagay ng dingding na nakaharap sa front door sa iyong pagpasok sa bahay. Ikonsidera ang malawak at bukas na entrance.
*Huwag maglalagay ng mga pinto na naka-slant ng 45 degree angles – lalo na ang pinto sa master bedroom.
*Huwag ipupwesto ang master bedroom sa harap ng kalahati ng bahay.