Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-LP members kaisa sa paghikayat kay Bong Go na tumakbo sa Senado

TULUYAN nang nag-alsa balutan sa Liberal Party ang mga mambabatas na tinagu­riang “Anak ni Mar Roxas” matapos mag-ober da bakod sa political party ng Admi­nistrasyong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Kabilang dito sina Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas, Sta. Rosa, Laguna Mayor Danilo Fernandez,  at Quirino Rep. Dakila Cua, at iba pa, dumalo rin sa inilunsad na Sulong Ang Pag-unlad Move­ment (SAPM) na naglalayong hikayatin si Special Assistant to the President Secretary Christopher Lawrence “Bong” Go na tumakbo sa 2019 Senatorial race.

Kasama ang iba pang lokal na opisyal mula sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya, non-government organizations (NGOs), at ilang businessmen, pinangunahan ni dating Ca­loocan Congresswoman at ngayo’y SAPM National Chairperson Mitch Cajayon-Uy ang paglulunsad ng SAPM.

Ayon kay Cajayon-Uy, “Naniniwala kami na si SAP Bong Go ay may malaking puso sa pagseserbisyo sa  bayan at sa kapwa Filipino kung kaya nabuo ang Sulong Ang Pag-unlad Movement.”

“Maigting ang aming hang­arin na sana’y maipagpapatuloy ni SAP Bong Go ang mga magandang nang naumpisahan ng ating mahal na Presidente Mayor Duterte…” dagdag ni Games and Amusement Board (GAB) Chairperson and SAPM Vice Chairperson for Luzon Baham Mitra.

Hanggang ngayo’y tikom pa rin ang bibig ni SAP Bong Go hinggil sa isyu. Trabaho lang daw muna ang kanyang inaatupag.

Umaasa ang mga miyembro at pamunuan ng SAPM na mahihikayat din nila si SAP Bong Go na tumakbo sa Senado. Positibo rin silang tataas pa ang ranking ng Kalihim sa mga darating na surveys kasunod ng pagdami ng bilang ng mga grupong nagpapakita ng suporta.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte, buo ang suporta kay SAP Bong Go sakaling magdesisyon si­yang kumandidato sa 2019 midterm elections.

“Ang kailangan natin sa Senado’y isang tao na may parehong layunin para sa bayan at may tiwala sa mga panukala ng kasalukuyang administrasyon. May naipasa na tayong mga panukala sa mababang kapulungan pero hindi naitawid sa Senado. Naniniwala kaming si Bong Go ang susi para maiakyat sa mataas na kapulungan,” pagta­tapos ni Sultan Kudarat 1st District Rep. Suharto Mangudadatu.

Ilan sa mga naipasang batas sa Kongreso na naunsiyami sa Senado ay ang Divorce Bill, Death Penalty, at ang panukala para ipagpal­i­ban ang Sangguniang Kaba­taan (SK) elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …