Saturday , April 5 2025

60 sa narco-list nanalong barangay officials

UMABOT sa 60 barangay official na nanalo sa nakaraang halalan ang kabilang sa 207 village executives na kasama sa drug list ng gobyerno, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency nitong Huwebes.

Kabilang dito ang 36 barangay chairman at 24 kagawad, ayon kay PDEA Chief Aaron Aqui­no.

Ayon sa mga awtori­dad, patuloy ang kani-

l­ang paghahanda ng kaso laban sa 60 barangay officials gayondin sa mga natalo sa eleksiyon.

Gumamit aniya ng drug money sa pagbili ng boto sa ilang mga lugar.

Magugunitang bago ang May 14 barangay at SK elections, naglabas ang PDEA ng listahan ng mga opisyal na umano’y sangkot sa ilegal na droga upang hindi iboto ng publiko.

“Naging successful naman sa tingin ko iyong paglalantad ng listahan dahil kung hindi nalantad ito, iyong sinasabing marami, baka lahat, nanalo,” ayon kay Aquino.

Sa nasabing bilang ay hindi kasama ang mga opisyal ng Bicol at Caraga regions, aniya.

 

About hataw tabloid

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *