Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Impeachment vs 8 mahistrado ikinokonsidera ng Makabayan Bloc (Sa quo warranto petition)

PAG-AARALAN ng Makabayan bloc kung susuportahan nila ang plano ng “Magnificent Seven” na maghain ng impeachment complaint laban sa mga mahis­tradong bumoto para masipa sa kanyang po­sisyon si dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, titingnan muna nila kung paano mapa­na­nagot ang walong mahis­trado na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa dating chief justice.

Naniniwala si Zarate na sinagasaan ng walong mahistrado ang ka­pangyarihan ng Kongreso na magpatalsik ng isang impeachable official dahil sa ginawa nilang desis­yon.

Ngunit duda si Anak­pawis Party-list Rep. Ariel Casilao na maitu­tulak ang im­peachment sa Kamara dahil mayorya sa mga kongresista ay hawak ng administrasyon na siya umanong nagtu­lak sa quo warranto petition.

Habang sa tingin ng mga miyembro ng Justice Committee na sina AKO BICOL Rep. Rodel Bato­cabe at COOP-NATCO Rep. Anthony Bravo, malabong makakuha ng 98 boto ang oposisyon para maideretso sa Se­nado ang impeachment complaint sa walong ma­histrado sakali mang maihain ito sa kamara.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …