Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Van sumabog sa kargang kuwitis sa Batangas (May-ari nagpa-massage sa spa)

BATANGAS – Sumabog ang isang van sa Brgy. District 4, Lemery, Bata­ngas, nitong Lunes ng gabi.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may kargang kuwitis ang van na maaaring naging dahi­lan ng pagsiklab ng apoy.

Naka-park ang van na may plakang UFL-165, sa tabing kalsada habang nasa loob ng isang mala­pit na spa ang may-ari nito.

“Galing po sila sa biyahe. Sumakit daw po ‘yung pakiramdam. Nag­pa­masahe tapos iniwan po ‘yung sasakyan sa mismong tapat ng spa,” ayon kay FO1 Gabriel Nikky Perilla ng Bureau of Fire Protection-Lemery.

Ang may-ari ng van na residente ng Brgy. District 2, ay negosyante ng paputok.

Sumabog ang sasak­yan pasado 7:30 ng gabi pero mabilis na naapula.

Habang isang residen­te na nakatira malapit sa pinangyarihan ang naita­lang nasugatan.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga bombero.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …