Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasambahay, driver sabit sa pagpatay sa among doktora

NASA kustodiya na ng Las Piñas City Police ang kasam­ba­hay at driver na uma­min sa kanilang par­tisipasyon sa pag­pas­lang sa amo nilang dean ng isang medical school nitong naka­lipas na Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na ang live-in partners na sina Juvy Bandoy Acero, alyas Tata, 43, at Dindo Engcoy Legano, 39-anyos.

Naunang inaresto ng pulisya si Acero na iki­nonsidera bilang “per­son of interest” maka­raan matagpuang patay ang biktimang si Hari­velle Charmaine Ta­paoan Hernando, 62, dekano ng University of Perpetual Help System Dalta, School of Medicine, sa loob ng kanyang bahay sa Doña Manuela Sub­division nitong 11 Mayo.

Namatay ang biktima dahil sa mga tama ng saksak sa dibdib  batay sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Naunang sinabi ni Acero sa mga awtoridad na nakarinig siya ng sigawan sa silid ni Her­nando sa ikalawang pala­pag kaya’t agad siyang tumawag ng pulis.

Natagpuan ang bang­kay ni Hernando na tadtad ng saksak maka­raang puwersahan buk­san ang master’s bed­room.

Isinisi ni Acero ang insidente sa dating driver na sinibak ni Her­nando, na umano’y gu­magamit ng ilegal na droga.

Gayonman, nabatid ng pulisya na ang testimonya ni Acero ay pawang gawa-gawa lamang, ayon kay C/Insp. Joel Gomez, hepe ng Investigation Section ng Las Piñas police.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …