Thursday , April 24 2025

1,000 SK bets hindi agad ipoproklama (Kapag nanalo sa eleksiyon)

KAPAG nanalo, ang proklamasyon ng 1,000 youth candidates ay isususpende ng Commis­sion on Elections maka­raan makom­pirmang nilabag ang anti-dynasty provision ng Sangguniang Kabataan elections o lumagpas sa age require­ment para sa SK officers

Sinabi ni Comelec acting chairperson Al Parreño, 4,000 hanggang 5,000 katulad na kaso ang under review baga­ma’t tapos na ang 2018 Barangay and Sanggu­niang Kabataan elections (BSKE) kahapon.

“Most of them akala nila bata pa sila pero more than 24-years-old na sila,” ayon kay Parreño. “Nata­takot kami na may isang 40-year-old na may mag­se-swear in mamaya so ginawa po namin nag-suspend po kami.”

“Ganoon din po sa mga barangay captain at kagawad na ‘di naman tagaroon sa distrito nila, nag-file pa rin, isu-suspend rin namin sila,” dagdag ni Parreño.

Sinabi ni Commis­sioner Luie Guia, may “procedure for the succession” kapag ang diskuwalipikong kandi­dato ang nanalo.

“The only way we can handle that is to file a formal procedure for cancellation of their certificates of candidacy or disqualification,” ayon kay Guia.

“We are hoping that we can resolve all these cases by June 30 so that malinaw po ‘yung succes­sion o kaya kung cancel­lation po, mababalewala ‘yung boto, ‘yung pinaka­malaking boto after (that) ‘yung uupo, that depends on the case that will be filed,” dagdag niya.

Mayroong 335,584 SK positions para sa 386,206 youth council candidates na nakarehistro sa Comelec.

 

About hataw tabloid

Check Also

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Vico Sotto

Mayor Vico Sotto, Pinipilit na Magbigay ng Solusyon sa mga Isyu ng mga Konsehal

MATAPOS ang mga kamakailang protesta mula sa publiko, ang Alkalde ng Pasig City na si …

Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *