Tuesday , April 15 2025

Vote-buying beberipikahin

INILINAW ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde kaha­pon, hindi maikokon­siderang “massive” ang vote-buying sa barangay at SK elections hangga’t hindi ito nabeberipika ng mga awtoridad.

“Kaya ‘massive’ ang reports kasi one party will report vote-buying then the other party will also report vote-buying, kaya we have to verify it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa Commission on Elections (Comelec) headquarters.

Sinabi ng PNP chief, ang mga ulat ng vote-buying ay dapat may kasamang sapat na ebi­densiya upang mada­ling maberipika ang mga reklamo.

“We ask them to gather evidence and report directly to Comelec so we can act on them,” aniya.

Dakong 12:00 nn kahapon, umabot sa 11 indibiduwal ang nadakip habang nagbibigay uma­no ng pera kapalit ng boto sa ilang mga kandidato.

Walo ang nahuli sa Calabarzon region, dala­wa sa Palawan at isa sa Taguig City, ayon sa police chief.

Samantala, sinabi ni Interior and Local Govern­ment Under­secretary Martin Diño, 21 kaso ng vote-buying ang naiulat sa ilang mga erya: Purok 4, San Juan Bayview, Parañaque City; Brgy. 118, Pasay City; Malibay, Pasay City; Brgy. 372, Juan Sumulong Elemen­tary School, Pasay City; Guadalupe Viejo, Makati City; Bagbag, Novaliches, Quezon City; Barangka, Marikina City; Concep­cion Dos, Marikina City; Brgy. San Juan, Antipolo City; San Mateo, Rizal; San Jose, Narvacan, Ilo­cos Norte; Brgy. Matictic, Norzagaray, Bula­can; Brgy. Cactus, Arayat, Pampanga; Pali­paran 3, Dasmariñas, Cavite; Lucena City, Quezon; Province of Siquijor; Brgy. Ulingan, Dipolog City; Ma. Cris­tina, Iligan City;  Central Tarragona, Davao Oriental;  Plaridel, Misa­mis Occidental; at Brgy. Cagdapao Tago, Surigao del Sur.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *