Tuesday , December 24 2024

Ex-Senador Angara pumanaw na

PUMANAW na si dating Senador Edgardo Angara sa gulang na 83, kinompirma ng kanyang anak na si Sen. Sonny Angara nitong Linggo. 

Sa kanyang social media account, sinabi ng nakababatang Angara na ang kanyang ama ay pumanaw “from an apparent heart attack.” 

Natapos ng nakatatandang Angara ang kanyang Bachelor of Laws degree noong 1958 sa University of the Philippines (UP), at kalaunan siya ay nagsilbi bilang pangulo ng unibersidad mula 1981 hanggang 1987. 

Nagtapos din siya ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos. 

Nagsimula ang public life ni Angara nang siya ay maging delegado ng 1971 Constitutional Convention, at iniakda niya ang constitutional provisions katulad ng proteksiyon sa public domain mula sa pang-aabuso ng developers. 

Siya ay naging senador mula 1987 hanggang 1998, at nagsilbi bilang Senate President mula 1993 hanggang 1995. 

Si Angara ay naging lead proponent ng Free High School Act, Government Assistance To Students and Teachers In Private Education Act, Magna Carta for Health Workers,  Breastfeeding Law, at iba pa. 

Noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada, naupo siya bilang opisyal ng Agriculture department mula 1999 hanggang 2001, at maikling panahong naging Executive Secretary noong 2001. 

Bumalik si Angara sa Senado noong 2001 hanggang matapos ang kanyang pang-apat na termino noong 2013. 

Noong Mayo 2017, siya ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang special envoy to the European Union. 

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *