Friday , April 18 2025

Barangay at SK polls kasado na

MAKARAAN ang dalawang beses na pagkabinbin, kasado na ang May 14 Sanggunian Kabataan and Barangay polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo. 

Ang mga opisyal ng 42,000 barangays ay nag-over-stay mula 2013 habang ang SK ay naiwang bakante mula 2010 dahil sa ilang batas na ipinasa para iliban ang nasabing eleksiyon. 

Sa eleksiyon ngayong Lunes na isasagawa sa pamamagitan ng manual voting, ay masusubukan ang pagpapatupad ng anti-dynasty provision ng SK Reform Act sa unang pagkakataon makaraan lagdaan bilang batas noong 2016 ni dating Pangulong Benigno Aquino III. 

“Handang-handa na po tayo,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez. 

“So far, we haven’t really monitored any big showstopper event so we’re very hopeful that we will be able to pull off the opening of the polls without a hitch tomorrow,” dagdag niya. 

Samantala, iniulat ng PNP na nakapagtala sila ng 20 election-related incidents, na nag-iwan ng 27 patay bago ang halalan. 

Ang nasabing bilang ay mababa kompara sa nakaraang mga eleksiyon, ayon kay Jimenez, idinagdag na ang peace and order situation ay nananatiling “under control.” 

Aniya, ang Comelec ay magiging mapagmat-yag sa mga insidente ng vote-buying at electoral fraud, na maaaring iulat sa pamamagitan ng government hotline 8888.  

Ang poll body ay naghahanda na sa kasong isasampa laban sa local elected officials na sinasabing nagtangkang mag-pressure sa mga kandidato at mga botante sa kani-kanilang barangay, ayon kay Jimenez. 

“The barangay elections are supposed to be apolitical, that means no politics involved, and it should be non-partisan. The participation of politicians goes against the grain of the barangay elections,” aniya.  

HATAW News Team

  

NO SERIOUS THREAT  
SA BARANGAY, SK  
ELECTIONS – AFP 

INIHAYAG ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Linggo, na wala silang na-monitor na seryosong banta sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong Lunes. 

“Thus far, there is no serious threat monitored in regard to the conduct of elections,” ayon sa AFP. 

Sa kabila nito, ayon sa AFP, magpapatupad sila ng contingency measures at nag-deploy ng mga sundalo sa “red areas” o elections hot spots na tinukoy ng Commission on Elections. 

Nauna rito, ang AFP ay nagsagawa ng focused combat, intelligence and civil military operations upang matiyak na hindi sasamantalahin o guguluhin ng private armies, local terrorists at communist rebels ang halalan ngayong araw. 

“By securing the people to go out and reflect their will in the ballots, we are assured of barangays that will partner with the AFP in bringing about peace and stability in the countryside,” dagdag ng AFP. 

Nauna rito, sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, ang PNP ay nag-deploy ng 80 porsiyento ng kanilang 190,000-strong force para magpatupad ng seguri-dad sa eleksiyon ngayong Lunes. 

Tiniyak ni Diño sa publiko na magiging alerto ang lahat ng law enforcement agencies sa eleksiyon. 

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *