Tuesday , December 24 2024

4 bata, 2 nanay patay (2 sugatan) sa sunog sa Parañaque

ANIM katao ang namatay na kinabibi-langan ng apat na bata, at dalawang nanay, nang hindi makalabas sa nasunog na lumang residential building sa Brgy.Tambo, Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi.

Magkakasamang na­tagpuan sa ground floor ang bangkay ng tatlong biktimang sina Marie Joy De Jesus, 28, at mga anak niyang sina Jomarie Canaria, 6, at Daniel Luis Canaria, 10-anyos.

Gayondin ang pamangkin ni De Jesus na si Ana Dona Agrasada, 23, at mga anak na sina Jake Amata, 6, at Jake Angelo Amata, 3, pa­wang residente sa Quirino Ave., Brgy. Tambo ng lungsod.

Dalawa ang nasuga­tan na hindi na pina­ngalanan.

Ayon kay Parañaque Fire Marshal Supt. Robert Pasis, sa inisyal na imbestigasyon, nagsimu­la ang sunog pasado 6:00 pm sa 53-anyos Bahay na Bato na may tatlong pa­lapag sa Quirino Avenue.

Nagsimula ang sunog sa unit na tinitirhan ng pamilya Agrasada na sinabing naglalaro ng pos­poro ang dalawang bata.

Sa tindi ng lakas ng apoy ay bumagsak ang ikalawang palapag ng gusali kasama ang anim na biktima, na pinanini­walaang hindi nakalabas dahil sa makipot na daan.

Ayon kay Supt. Pasis, nahirapan silang apulain ang apoy dahil makipot ang daan at napaliligiran ng mga barong- barong ang gusali.

Natagpuan ng mga bombero ang bangkay ng mga biktima dakong 10:00 pm makaraan ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Ayon kay Marlon Agrasada, 30, nasa trabaho siya nang maba­litaan niyang nasusunog ang kanilang bahay.

Sa impormasyong nakuha ng arson inves­tigators, 1965 pa itinayo ang gusali at  dapat ay wala nang nakatirang mga residente ngunit tinirahan ng informal settlers na nagtayo ng mga barong-barong.

Sa kabuuan, 400 katao na naninirahan sa gusali ang naapektohan ng sunog.

Napag-alaman, ikat­long beses nang na­sunog ang gusali sa nakalipas na sampung taon.

Pansamantalang dina­la sa covered court at sa barangay hall ang mga residenteng naapektohan ng sunog na inaasahang tutulungan ng pama­halaang lokal ng Para­ñaque.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *