Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PhilHealth chief nakapila kay Teo

IPINAHIWATIG ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isa pa siyang sisibakin na opisyal ng kanyang administrasyon na sabit din sa katiwalian dahil sa madalas na pagbibiyahe.

“There’s another one coming up. I think that… You know if you go to other places to attend important meetings that could may affect the country, I would appreciate it,” anang Pangulo.

Noong nakalipas na linggo’y inihayag ng Palasyo na pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte ang Philhealth dahil sa COA report  na P627,000 travel expenses ni officer-in-charge Celestina dela Serna at ang pagkalugi ng ahensiya ng P9-B.

Sa liham ng Philhealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (Philhealth WHITE) kay Pangulong Duterte, isiniwalat ng mga kawani ang paglagak ng P900-milyon mula sa isang bilyong pisong Externally Managed Fund (EMF) sa common stocks na labag sa Section 27 (d) ng Republic Act 10606 o Philhealth Charter na nagtatakda na dapat ay sa preferred stocks lamang puwedeng i-invest ang EMF.

Ang pag-invest ng EMF sa common stocks ay nagresulta sa pagkalugi ng P116 milyon, batay sa income statement.

Nabatid sa Philhealth WHITE na katumbas ng estafa ang sabwatan nina Dela Serna at PHICEA President Esperanza Ocampo ang illegal na pagpataw ng P2,000 na 10% agency fee sa 2016  at 2017 collective negotiation agreement (CNA) incentive na nagkakahalaga ng P20,000 noong nakalipas na Enero 2017 sa 3,500 casual employees na u-mabot sa P16-M.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …