Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Lifestyle check sa ‘barangay bigtime milyonaryo’ (Aprobado Usec Martin Diño)

JOBLESS pero bigtime. Walang negosyo pero milyonaryo.

Ganyan ang reputasyon ng marami-raming barangay officials sa Metro Manila at sa kalapit na lalawigan.

Barangay official sa mahihirap na komunidad pero ang bahay na inuuwian ay nasa posh subdivision, malaki ang garahe, tatlo hanggang lima ang kotse.

‘Yan ang serbisyo publiko… sa barangay pa lang ‘yan ha, e paano kung  municipal and city officials pa?

Noong una kapag may pagawa sa barangay, batarisan daw, pero kapag nag-ulat sa COA, may kontraktor pala.

At ang kontraktor, kung hindi sila mismo, kamag-anak o kaya kaibi­gan o kaya mga pare o mare nila.

Kapag tumagal pa ang panahon, ‘yung barangay official na mismo ang kontraktor.

Lalo na kung malalaki ang Internal Revenue Allotment (IRA) ng isang barangay.

Kaya hindi nakapagtataka kung may makita kayog ganitong klase ng mga barangay officials sa Quezon City, Caloocan, Maynila, Parañaque, Pasay, Las Piñas at sa iba pang siyudad.

Sa Maynila, mayroong mga kapitan ng barangay na nagpapapatay ng mga kalaban kahit kakarampot lang ang botante. Kasi bukod sa malaking IRA, puwede na rin bansagang Barangay Illegal Terminal ang lugar nila.

Huwag din kalimutan ang isang barangay official na hindi naman lahi ng prayle, hindi rin lahi ng ‘cacique’ pero maraming negosyo at paupa­han sa loob mismo ng isang historical place na supposedly ay regulated ng Kongreso pero ang naghahari ay isang ‘madam’ na dating very close kay barangay chairman.

Ilan lang sila sa mga karakter na dapat bantayan ng mga botante. Kung mayroong mga ganyang klaseng kandidato sa inyong lugar na tumatakbong barangay official, aba e dapat pong mag-isip-isip bago iguhit ang kanilang mga pa­ngalan sa inyong balota.

Kaya tama si Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño, dapat i-lifestyle check ang mga barangay officials na ang ilan ay maaaring nagpayaman gamit ang pondo ng bayan.

Si Diño ang undersecretary for barangay affairs at nagsimula na silang mag-compile ng listahan ng mga barangay na bigong magsumite ng kanilang imbentaryo ng money disbursements na iniuutos ng ahensiya at sila ay maghahain ng kaso sa nasabing mga opisyal.

Ani Diño, “Ngayon, makikipag-tie up ako sa BIR (Bureau of Internal Revenue) para meron kaming memorandum of agreement para mapa-lifestyle check namin lahat ng barangay officials na talagang in a matter of years naging mayaman,” pahayag ni Diño.

“Alam naman sa barangay kung may negos-yo ‘yan. Walang taong nakaaalam kung hindi ang kaniyang constituents,” aniya.

Dapat umanong ibalik ng  COA ang mahigpit na patakaran sa pagpapalabas ng pera sa barangay officials.

Aniya, sa kanyang panunungkulan, mahigpit ang pagsusuri ng fiscal control at accounting departments at kailangan ng barangay council resolution bago ma-disbursed ang pera sa kanilang depository bank.

“Now, puwedeng ang kapitan at treasu-rer ay gagawa lang ng certification, mailalabas ang milyon-milyong pera ng barangay easily… ngayon, wala pang project, nasa bulsa na ni kapitan at treasurer ‘yung pera,” aniya.

“Nagre-request kami sa COA na ibalik nila sa dati dahil prone to corruption ito. Marami nang nagkakaso na ang treasurer ay itinakbo ang pera,” dagdag niya.

Suporatdo ka namin diyan, Usec, Diño!

KUDOS INC

Tagumpay ang inilunsad na Worldwide Walk to Fight Poverty ng Iglesia Ni Cristo (INC) nitong Linggo, 6 Mayo na nasimula sa Mall of Asia, patungong Quirino Grandstand.

Isang bagong record din ang kanilang naitala sa Guinness World Records.

Pero hindi tayo masyadong bumilib diyan.

Ang kinabiliban natin nang higit, ‘yung pagkatapos ng event ay nagkanya-kanyang linis ang bawat kasapi ng INC na dumalo.

Kaya pag-alis nila, walang nakitang basura ni katiting na kalat sa lugar na kanilang pinagdausan.

Marami tayong nakikita na ginagamit na event place ang malalaking lugar sa Maynila o sa south Metro Manila pero bukod sa nililikha nilang traffic, iniiwan pa nila ang sandamakmak na basura.

Panay pa ang praise the lord niyan.

Sana naman ganyan din ang gawin ng malalaking orgnaisasyon o sekta kapag ginagamit nila ang mga pampublikong lugar. Maging malinis.

Ganyan din sana ang gawin ng mga militanteng nagsasabing mahal nila ang bayan, maglinis pagkatapos mag-rally — e kapag ganyan baka bumilib pa ang bayan sa inyo.

Again, kudos INC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *