Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klaudia Koronel, wish na sumabak muli sa showbiz

IPINAGPALIT ni Klaudia Koronel ang popularidad niya sa mundo ng showbiz upang isakatuparan ang mithiin na magtapos ng kolehiyo. Isa siya sa pambatong stars ng Seiko Films ni Robbie Tan noong late 90’s. Mula sa pagiging sexy star, ipinakita ni Klaudia na ganap na siyang aktres nang nakakuha ng nominasyon as Best Supporting Actress sa Gawad Urian sa pelikula ng Regal Films. Sumabak din siya sa sitcom na Kiss Muna ng GMA-7 bilang isa sa leading leadies ni Joey de Leon at naging bahagi ng seryeng Mga Anghel na Walang Langit ng ABS CBN.

Ngayon ay may pamilya na si Klaudia at naninirahan sa Amerika. Ayon sa magandang aktres, tinalikuran niya ang kislap ng showbiz at pinagsikapang makatapos ng pag-aaral kahit na mahirap para sa kanya dahil naniniwala siya sa kahalagahan ng edukasyon.

“Noong wala na akong pang-tuition, nagtiis pa rin ako, nag-business para maipagpatuloy ‘yung pag-aaral ko. Computer Science course ko, naka-graduate ako at ‘yon ang pinakamasaya kong araw and hindi ko makalimutan sa buong buhay ko. Kahit paano, taas-noo ako humarap kahit kanino rito sa Amerika. Marami rito kahit Kano, high school graduate lang.”

Ano ang pinakana-miss mo sa buhay-showbiz? “Pinakana-miss ko sa showbiz ‘yung… dati ‘di ko nare-realize yung mga kasama kong mga sikat-like sa Channel 7, sa Bubble Gang, sina Ogie Alcasid at Michael V., sina Joey de Leon, parang normal lang na katrabaho sila, pero ngayon na-realize ko, nakaka-miss din pala na nakasama sila na mga institusyon na sila sa showbiz.

“Pinakanami-miss ko rin yung mga nakatrabaho ko sa showbiz, lalo na sa channel 7 or channel 2, ‘yun ‘yung mga good memories ko sa showbiz, mga magagaling na direktor na nakasama ko, mga manager ko na nag-alaga sa akin, mga event sa showbiz, mga mababait na reporter na tumutulong sa akin. Nami-miss ko rin siyempre ‘yung mga interview, noong na-discover nila na may talent pala ako sa comedy, sa drama, sa action, na puwede pala akong maging kontrabida, puwedeng bida. Ang nakakatuwa, pati pagkanta, kailangan subukan, hahaha! Nakita ko rin na may talent pala akong sumayaw.”

Sakaling may offer ulit, gusto ni Klaudia na magbalik-showbiz. “Kapag nagkaroon ng offer, of course game ako. May gagawin nga akong indie film dito sa US and I think ‘pag naayos na papers ko rito, babalik ako paminsan-minsan kasi talagang nami-miss ko ‘yung pag-acting. Iyon siguro talaga kung bakit napansin ko ‘yung mga nag-aartista na napunta dito sa US e, bumabalik sila riyan, kasi kung talagang iyon ‘yung original work mo, hahanap-hanapin din ng katawan mo.

“So, nami-miss ko talagang um-acting at alam kong kaya kong bumalik dahil naniniwala akong mayroon akong kakayahang umarte,” aniya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …