Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Bebot itinumba habang naglalaba (Bagong laya)

PATAY ang isang ginang na kalalabas mula sa kulungan makaraan pagbabarilin habang naglalaba kasama ang anak sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Rosana Purificacion Crisostomo, 50, residente sa 11 Freedom Park Ext., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), naganap ang insidente dakong 12:05 am sa harapan ng bahay ng biktima.

Batay sa pahayag ni Renuel, anak ng biktima, tinutulungan niya sa paglalaba ang kaniyang na-nay nang huminto mula sa  harapan ng kanilang bahay ang isang puting Mitsubishi L300 FB na walang plaka at may sakay na tatlo katao.

Binuksan ng lalaking nakaupo sa tabi ng driver ang bintana ng sasakyan at pinaputukan ang biktima.

Bagama’t duguan nang nakahadusay ang biktima, muli siyang pinagbabaril ng isa pang suspek bago tuluyang tumakas.

Masuwerteng hindi tinamaan ng bala ang anak ng biktima sa insidente.

Napag-alaman, kalalabas sa piitan ng ginang dahil sa paggamit ng ilegal na droga. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …