Monday , December 23 2024

Paolo at Carpio ‘di madidiin sa P6.4-B shabu shipment

SANG-AYON si Senador Panfilo Lacson sa naging resulta ng fact finding committee ng Ombudsman na inirekomendang sampahan ng kaso si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon at iba pang opisyal sa paglusot ng P6.4 bilyon shabu shipment.

Sinabi ni Lacson, kung pagbabasehan ang isinagawang pagdinig ng Blue Ribbon Committee, lumalabas na walang nagdidiin kina dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw niyang si Mans Carpio.

Ayon kay Lacson, kahit sa mga naging pahayag ni Customs broker Mark Taguba ay walang direktang ebidensiya na magdidiin kina Paolo at Carpio.

Ngunit iginiit ng senador, kung pinayagan ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon na lumantad sa senado ang ilang resource person na binanggit ni Taguba, tulad nila Tita Nani at Davao group, posibleng ma­sang­kot sa kaso  si Paolo at ang bayaw niyang si Carpio.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *